^

Paano maningil sa nangutang nang hindi na kailangan ng abogado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - January 19, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

May utang pong P20,000 sa akin ang kapitbahay ko at ayaw po nitong magbayad kahit ilang beses na akong naniningil. Paano ko po kaya mababawi ‘yung ipinautang ko ng hindi na kumukuha ng abogado? Kung magdedemanda kasi ako ay baka mas mahal pa ang ibayad ko sa abogado kaysa sa beinte mil na utang sa akin. —Mely

Dear Mely,

Base sa halagang sinisingil mo ay maari kang  magdemanda para mabawi ang ipinautang mo nang hindi ka na kumukuha ng abogado.

Sa pamamagitan ng pagpa-file ng small claims sa pinakamalapit na Metropolitan o Municipal Trial Court (MTC) sa iyong lugar ay maari kang makapagsampa ng demanda nang hindi ka na gagastos para sa abogado.

Ipinagbabawal kasi sa mga abogado ang humarap sa korte para sa mga small claims na kaso o iyong mga kaso na ang sinisingil na halaga ay hindi hihigit sa Php 300,000 (para sa labas ng Metro Manila) hanggang Php 400,000 (kung sa Metro Manila). Tanging ang mga partido lamang ang hahayaang dumalo sa mga pagdinig kaya hindi mo puproblemahin ang kawalan ng abogado kung pasok sa small claims ang balak mong singilin na halaga.

May nakahanda nang form sa korte kung saan isusulat mo na lang ang mga impormasyon ukol sa sinisingil mong halaga. Sa form din na iyon mo ikakabit ang mga ebidensya na nagpapatunay sa sinisingil mong halaga katulad ng acknowledgment receipts, kontrata, at iba pang mga dokumento. Ang tangi mo na lang iisipin na gastos ay ang filing fee.

Siguraduhin mo lang na nakapagpadala ka na ng pormal na demand letter sa sinisingil mo bago ka magsampa ng kaso. Dahil nabanggit mong magkapitbahay kayo ay kakailanganin mo rin na idulog sa barangay ang reklamo mo para sa posibilidad na kayo ay magkasundo ng may utang sa iyo.

Kung hindi kayo magkaayos sa harap ng mga opisyal ng barangay ay saka mag-iisyu ang barangay ng certificate na dumaan na kayo sa conciliation at maari nang isampa sa korte ang kaso.

LAWYER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with