^

‘Unanong’ giraffe, natagpuan sa Africa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 19, 2021 - 12:00am

DALAWANG dwarf o unanong mga giraffe ang nadiskubre sa Africa ng mga siyentipiko.

Ang isa sa mga ito ay natagpuan sa isang national park sa Uganda samantalang ang isa naman ay sa isang pribadong bukirin sa Namibia.

Ang unanong giraffe na natagpuan sa Uganda ay binansagang ‘‘Gimli’’ na hango mula sa dwarf na karakter sa Lord of the Rings samantalang ‘‘Nigel’’ naman ang pangalan ng natagpuan sa Namibia.

Kumpara sa mga karaniwang giraffe na aabot sa 15 hanggang 20 talampakan ang taas ay nasa 9 talampakan lamang si Gimli, samantalang 8 talampakan naman si Nigel.

Mayroong tinatawag na skeletal dysplasia ang da­lawa, isang kondisyon na nakaaapekto sa paglaki ng buto at dahilan ng kanilang pagiging mga ‘‘unano’’.

Hindi karaniwan ang skeletal dysplasia sa mga hayop na matatagpuan sa kagubatan at ito pa lang ang unang pagkakataon na nadiskubre ang nasabing kondisyon sa mga giraffe.

 

 

AFRICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with