^
EDITORYAL - Bigyang kapanatagan ang mamamayan ukol sa bakuna

EDITORYAL - Bigyang kapanatagan ang mamamayan ukol sa bakuna

(Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

KAILAN ba talaga darating ang bakuna sa bansa? Wala pang katiyakan. Iba-iba ang lumalabas na balita. May Pebrero at Marso at merong sa Abril pa raw. Ano nga ba totoo?

Ang ibang bansa gaya ng Indonesia, India at iba pang bansa sa Middle East ay nagsimula na ng vaccination program. Ang Presidente ng Indonesia ay unang nagpaturok noong Enero 13 para mahikayat ang kanyang mamamayan at mapanatag ang kaisipan ukol sa bakuna.

Sabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., sa isang interbyu kamakailan na darating ang bakuna sa Marso o Abril. Posible raw na bakuna sa Pfizer ang dumating. Nasa advanced stage na raw ang negosasyon sa Pfizer. Hinihintay na lang daw ang tinatawag validation at coordination mula sa Pfizer headquarters. May negosasyon din daw ang gobyerno sa iba pang kompanyang gumagawa ng bakuna, pero sinabi ni Galvez na hindi naman pinapaboran ang bakuna ng Sinovac mula China.

Ganito rin halos ang sinabi ng Department of Health (DOH) maaasahan daw ang pagpapabakuna sa Marso. Mga end of first quarter daw ng 2021, ayon kay Health Sec. Francisco Duque III. Sabi pa ng Health Sec. hindi raw magkakaproblema ang bansa pag sinimulan na ang pagpapabakuna sa mga Pilipino. Una raw tuturukan ang healthcare wor-kers, matatanda, may sakit, mahihirap na pamilya, at mga uniformed personnel. Ganunman, walang binanggit si Duque kung anong bakuna ang planong iturok ng pamahalaan sa publiko.

Kung totoong sa Marso o Abril, dapat magkaroon na ng plano ang DOH. Lahat ba ay matuturukan? Paano ang mga maysakit gaya ng diabetic, may high blood pressure, allergies. Paano kung ang maturukan ay COVID asymptomatic, wala bang peligro ito.

Marami pang dapat ipaliwanag. Sana magawa ito bago dumating ang bakuna. Bigyang inpormasyon ang publiko.

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with