^

Takot sa bakuna!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

Hindi pa man nagsisimula ang pagbabakuna sa bansa, marami na ang pagtatalo sa kung saan at anong kompanya ito dapat bilhin.

Sabi ng pamahalaan, ‘wag nang maging ‘choosy’ dahil libre naman, sagot naman ng mga mamamayan, dapat may karapatang mamili dahil buhay ang nakataya rito.

Isa ang kompanyang AstraZeneca buhat sa UK ang sinasabing naging ‘mabenta’ sa mga local governmemt units na dito na nga may mga kasunduan nang naganap kung ilang doses ng bakuna ang kanilang iprinareserba para sa kanilang mga constituents.

Sa lumabas na international survey, isa rin ang AstraZeneca sa pinagkakatiwalaan ng marami. Habang hindi naman masyadong pinagkakatiwalaan ang bakunang galing Russia at China.

Sa kabila naman na may matindi nang pangangailangan sa pagbabakuna laban sa COVID-19, marami pa rin ang nagdadalawang isip na sumailalim dito hindi lamang sa Pinas kundi maging sa ibang bansa.

Kaya nga ang himok ng WHO ay ang mas matinding pagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa kahalagahan ng vaccine para hindi ito katakutan.

Aba’y lalu pa ngayon, dahil sa pangyayaring naganap sa Norway kung saan iniulat na may 23 seniors ang sinasabing nasawi matapos na maturukan ng COVID vaccine.

Kaya nga kailangang maging mapanuri ang gobyerno sa pagbili ng bakuna.

Bagama’t isinasa-alang-alang ang presyo ng bakuna para makasapat sa ilalabas na pondo, mas dapat na mapagtuunan ng pansin dito eh kung gaano ito ka-safe at ka-epektibo.

Dahil kung may maliit lang na tiyansa, kahit pa mura eh ‘wag na nga, baka nga naman magsayang lang ng pera.

Kailangan ding matiyak ng pamahalaan na ‘wag mangyari sa Pinas ang sinasabing nangyari sa Norway kung saa base sa ulat ay may 23 seniors ang nasawi dahil sa COVID vaccine.

Sa ating bansa, isa ang mga senior  sa ipaprayoridad umano sa bakuna. Pero dapat na   mapag-aralan kung ano ang eksaktong edad ang dapat na maunang sumalang. Dapat na malaman na baka may implikasyon o komplikasyon ito (bakuna) sa sobra nang may katandaan.

Kailangang mawala ang takot o pangamba ng marami sa pagbabakuna, na dito nakasalalay sa bawat isang pamahalaan na matiyak naman na magiging ligtas ang kanilang mga mamamayan sa kung anong bakuna ang ituturok sa kanila.

Wala naman sanang sasablay at sa huli ay magtuturuan at magsisisihan na naman.

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with