^

Online registration sa COVID-19 vaccine sa Mandaluyong!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

ANG mga residente ng Mandaluyong City na gustong magpaturok ng COVID-19 vaccine ay maari nang magpalista sa pamamagitan ng program na online pre-registration ni Mayor Menchie Abalos. Kaya naman naisipan ni Abalos na ipatupad ang online registration ay para hindi na lalabas sa kanilang mga bahay ang mga Mandaleño at makaiwas sa virus. Patuloy pa kasing nananalasa ang virus sa bansa at alam ni Abalos na may bagong variant na kaya’t minabuti n’yang ilayo sa kapahamakan ang mga residente ng siyudad.

Sinabi ni Bro. Jimmy Isidro na hindi naman mahirap mag-avail sa online pre-registration at hinikayat niya ang mga residente na bumisita lang sa htpps://www.mandaluyong.gov.ph/vaccine.  At ang mga nagrehistro sa online ay magsumite lang ng digital copy ng kahit anong ID bilang pruweba na sila ay residente ng Mandaluyong at presto...nakalista na sila sa talaan ng bibigyan ng vaccine.

Idinagdag pa ni Bro. Jimmy na ang nakarehistro na, kasama ang medical frontliners, senior citizens at PWDs, ay bibigyan ng priority sa vaccination program ng city government. Mismoooo! Hehehe! Sobrang ingat talaga ni Abalos kontra COVID-19, no mga kosa?

At ‘yung wala namang gamit na gadgets at hindi mapagrehistro online, aba ‘wag kayong mag-alala. Dahil nga preparado naman si Abalos para hindi kayo maiwanan sa ere. Inutusan ni Abalos ang mga chairman ng 27 barangays na magpadala ng team at mag-ikot sa hurisdiksiyon nila para marehistro ang kapuspalad nilang residente. ‘Yan din ay para hindi na sila madapuan ng virus sa kalye o lansangan.

‘Ika nga, hindi na pupunta sa kanilang barangays halls ang mga residente para magrehistro. Siyempre, ang dalawang klase ng rehistrasyon ay kailangang gumana ang health protocols ng gobyerno ni President Digong, ang dagdag pa ni Abalos. Tsk Tsk Tsk!

Puwede pa ba akong tumira d’yan sa Mandaluyong City Bro. Jimmy Sir?

Iginiit naman ni Abalos na itong registration ay voluntary at walang dapat babayaran. Ang City government, aniya, ay naglaan ng P200 milyon na pondo para bumili ng Astra Cenica vaccine na gawa ng Estados Unidos. Itong makalap ng numero ng residente na nagparehistro ay magsisilbing giya sa City government kung ilang vaccine ang bibilhin sa oras na maging available na ito, ayon pa kay Abalos.

Hindi lang ‘yan, nagsimula na rin si Abalos at mga barangay officials sa tinatawag na consultation programs para giyahan ang mga residente sa tamang gagawin sa oras ng vaccination program para hindi magkagulo. Sinimulan na ng tropa ni Abalos ang pagkonsulta sa mga residente sa Barangays Burol at Buayang Bato. Tsk tsk tsk!

Maayos talaga ang pamamalakad ni Abalos sa kanyang siyudad kaya’t mababa na ang bilang ng dinapuan ng virus sa kanilang lugar, no mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba Bro. Jimmy Sir? Abangan!

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with