^

Hindi ako susuko (102)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

“ISA pa, mayroong malaki o mabigat na kuwento ang painting na yun di ba Reagan?’’ tanong ng boss sa seryosong boses.

“Opo Sir. Gaya po nang naikuwento ko na sa iyo nun, si Sir Abe po ang ang dahilan kaya ako nakapag-aral. Natigil lamang ang sustento mula nang mamatay siya. Pero mayroon pa pong part 2 ang kuwento, Sir…”

“Talaga? Ano yun?;’’

“Bago po pala namatay si Sir Abe, itinabi na nag-save po siya ng pera para sa pag-aaral ko. Itinago po niya – malaki pong halaga. Kaya lamang po, nakatapos na ako ng pag-aaral nang madiskubre iyon ng kanyang pamangkin na si Sir George. Hindi ko po tinanggap nung una pero nang wala na akong pantustos sa pag-aaral ng kapatid kong si Kennedy, pikit-mata kong tinanggap. Ayaw ko sana dahil nga nilait-lait ako at inapi ng anak ni Sir Abe. Pero wala akong magawa kundi tanggapin ang pera na nagkakahalaga ng P90,000. Iyon po ang ginamit ko sa pagpapaaaral kay Kennedy.’’

“Maganda pala talaga ang story behind ng Sir Abe painting. Lalo tuloy napamahal sa akin ang painting.’’

“Talaga pong kakaiba ang kuwento.’’

“Kaya hindi ko talaga ibibigay kahit kanino ang painting. Kahit magkano, no way.’’

Maya-maya nagpaalam na si Bossing.

Naiwang nag-iisip si Reagan.

Sino kaya ang babaing bibili ng painting?

Talagang nagtataka siya.

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO (
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with