^
EDITORYAL - LGUs, may karapatang pumili ng bakuna para sa constituents

EDITORYAL - LGUs, may karapatang pumili ng bakuna para sa constituents

(Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

HUWAG daw mamili o maging chossy sa pagpili ng bakuna, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Bagama’t may karapatan daw ang lahat na magkaroon ng maganda o mabuting kalusugan, hindi naman daw dapat maging mapili o pihikan ang mga babakunahan laban sa COVID-19. Ayon pa kay Roque, maraming Pilipino ang dapat bakunahan kaya hindi na dapat pang maging mapili. Hindi naman daw pipilitin ang mga ayaw magpabakuna. Idinagdag pa ng Spokesman na hindi makokontrol ng gobyerno kung ano ang mga darating na bakuna kaya hindi na dapat maging mapili pa ang mamamayan.

Ang pahayag ni Roque ay nataon naman sa pagdami ng LGUs na nagsabing handa silang bumili ng bakuna para sa kanilang mga nasasakupan. Mayroon naman daw silang pondo para sa procurement ng bakuna.

Kasunod nito, nagpahayag naman ang pinuno ng League of the Municipalities of the Philippines (LCP) na may karapatan ang local government units (LGUs) na pumili ng brand ng bakuna na naaayon sa gusto ng kanilang constituents. Kung may kakayahang bumili ang LGU dahil mayroon silan pondo, karapatan nila iyon. Sabi ni LCP National President at Bacolod City Mayor Bing Leonardia, marami nang LGUs ang nakipag-coordinate sa pharmaceutical firms para sa pagbili ng bakuna.

Noon pa, marami nang mayor, sa Metro Manila ang nagpahayag na may kahandaan na sila sa pagbili ng bakuna para sa kanilang mamamayan. May sapat silang pondo para ibili ng bakuna at pipili sila nang sa akala nila ay epektibo para sa kanilang constituents.

Nangunguna na ang Quezon City sa pagbili ng bakuna. Nakapag-order na ang QC ng 750,000 doses sa AztraZeneca at kamakailan nag-orders pa sila ng karagdagang 1.1 million doses na idideliber sa third quarter ngayong taon. Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, uunahing bigyan ng bakuna ang health workers at senior citizens. Target ni Belmonte na mabakunahan ang 550,000 residente ng QC.

Bukod sa QC, nakipagkasundo na rin sa AstraZeneca ang Makati, Maynila, San Juan, Mandalu-yong, Taguig at Muntinlupa.

Mabilis kumilos ang LGUs kaysa sa Department of   Health (DOH) na hanggang ngayon ay hindi pa malaman kung ano nga bang bakuna ang darating sa bansa. Sabi ni vaccine czar Carlito Galvez, may darating ng bakuna sa Marso at tiyak nang mababakunahan na ang mamamayan.

Sana nga ay totoo. Pero ang tiyak, maaaring mauna ang bakuna ng LGUs dahil mas mabilis sila at sure ang kilos.

LGU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with