^

Doktor

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

NAGMAMADALING pumasok ang doktor sa emergency room upang gamutin ang binatilyong  inatake sa puso at nasa ICU. Kanina pa naiinis ang ama ng binatilyo dahil medyo natagalan ang doktor bago nakarating sa ospital. Kaya hindi nakatiis ang ama na sumbatan ang doktor.

“Bakit kayong mga doktor, alam na ninyong emergency pero ang tagal pa rin ninyong dumating? Hindi mo ba alam na nanganganib na ang buhay ng aking anak. Don’t you have any sense of responsibility?”

“I’m sorry, bago nakarating ang tawag mo ay may nauna akong ginamot na pasyente. Sana ay huminahon ka na lang at gagamutin ko na ang anak mo.”

“Huminahon? Nasasabi mo lang ‘yan dahil hindi mo anak ang nanganganib na mamatay!”

Hindi sumagot ang doktor at nilapitan ang pasyente. Pagkaraan ng ilang sandali ay sinabi nito sa ama na kailangang ang emergency operation. Malala na ang sakit sa puso ng binatilyo at operasyon lang ang tanging solusyon dito.  Pagkaraan ng maraming oras, lumabas ang doktor at nars sa operation room at nilapitan ang ama.

“Salamat sa Diyos, wala ka nang dapat ipag-alala. Ligtas na ang iyong anak. Kung may tanong ka pa, kausapin mo na lang ang nars…” sabay talikod ng doktor at nagmamadaling umalis sa ospital.

Nagkatinginan ang nars at ang ama. Ang ama ang pumutol ng katahimikan. “Nakita mo ang ugali ng doktor na ‘yan! Hindi man lang ako hinintay na makapagtanong sa kanya tungkol sa aking anak at basta na lang ako nilayasan. Bastos! Palibhasa ay hindi niya anak ang may sakit! ”

“Mister, nagmamadaling umalis si Doktor dahil aayusin niya ang funeral ng kanyang anak. Kahapon ay hindi kaagad siya nakarating dito sa ospital dahil naaksidente ang kotseng minamaneho ng kanyang anak. Sinikap niyang iligtas ito ngunit dead on arrival na ang kanyang bunso. Pasensiya na ho kayo, siya lang ang puwedeng magdesisyon tungkol sa funeral dahil shocked pa ang kanyang misis at hindi pa makausap nang maayos.”

“It’s very easy to be judgmental until you know someone’s truth”.

– Kate Winslet

DOCTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with