^

Hindi ako susuko (101)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

‘‘AYAW akong tantanan ng babae, Reagan,” sabing nakatawa ng boss niya. “Lagi akong kinukulit. Sobra ang pagkagusto niya sa pain-ting na ginawa mo.’’

“Ano po ang sagot mo, Sir?’’

“Aba siyempre sabi ko e hindi ko pinagbibili. Sabi ko, kolektor ako ng mga pain-ting at wala sa aking plano na ibenta ang mga koleksiyon lalo pa at kusang loob na ibinigay sa akin. Naniniwala kasi ako na ang painting na niregalo ay naghahatid ng suwerte sa buhay. Gaya nga ng “Sir Abe” painting na binigay mo sa akin. Kaya nga inilagay ko ito sa salas ng aking bahay sa Dasma. At alam mo ba Reagan, mula nang idisplay ko sa salas ng aking bahay ang painting na Sir Abe, nagkasunud-sunod na ang buwenas sa akin.’’

“Talaga po Sir? Congrats po.’’

“Hindi ka maniniwala Reagan, nang araw na i-hang ko ang painting ay na-promote ang misis kong doktora na CEO ng pribadong ospital sa Makati. Matagal   na niyang hinahangad yun at biglang natupad. Sobrang saya niya. Ang misis ko e art lover din at naniniwala na may dalang suwer- ­te ang Sir Abe painting sa amin.

“At hindi lang yun, Reagan, mayroon pang mga kasunod na suwerte…”

“Ano naman po yun Sir?’’

‘‘Ang dalawa kong anak na lalaki at babae ay sabay na kumuha ng board exams. Yung lalaki ay Bar Exams at yung babae ay sa Physicians board exam. Pareho silang pumasa at nag-top pa pareho.’’

“A oo nga po Sir, nabasa ko nga po sa newspaper at sa social media. Anak mo po pala ang mga yun.’’

“Oo Reagan. Kaya nga masayang-masaya kaming mag-asawa. At naniniwala kami na may dalang suwerte ang niregalo mo sa aking painting yun ngang Sir Abe painting.’’

“Congrats po uli. Siguro po Sir ay dahil iningatan mo ang painting. Kasi nga po ang nasa likod ng painting – si Sir Abe ay mabait na tao. Baka po ang taong nag-iingat sa kanya ay ginagantihan ng maganda at sobra-sobrang biyaya.’’

“Naniniwala ako Reagan. Kaya nga tinanggihan ko nang todo ang babaing gustong bilhin ang painting. Kahit magkano pa ang ialok niya, hindi ko tatanggapin. Hindi ko kailangan ang pera niya.’’

Napangiti si Reagan.

Tinanong niya kung sino ang babaing gustong bumili ng painting.

“Galing daw siyang US at nagbabakasyon lang dito. Kaibigan siya ng kaibigan naman ni Misis. Pero hindi ko talaga ipagbibili ang painting...’’ (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with