^

Punto Mo

EDITORYAL - Maghigpit pa sa mga papasok sa bansa

Pang-masa
EDITORYAL - Maghigpit pa sa mga papasok sa bansa

MAY nakapasok ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa. Taglay ito ng Pinoy na galing United Arab Emirates na dumating sa bansa noong Enero 7. Pagdating ng Pinoy, isinailalim agad ito sa swab testing at nalaman na positibo ito sa bagong variant. Hindi naman nagpositibo ang kasama nitong babae. Nasa isolation center na ang lalaki at nagsisimula na ang Department of Health (DOH) sa paghanap sa mga nakasalamuha ng lalaki habang nasa eroplano. Hinihikayat din ng DOH ang mga pasaherong nakasabay ng lalaki sa eroplano na magkusa nang lumapit sa DOH para maisalalim sa swab testing at makagawa nang tamang hakbang para hindi kumalat ang bagong variant ng COVID-19 na unang nakita sa United Kingdom.

Nakapagtataka naman kung bakit hindi agad naisama sa travel ban ang UAE. Nagkamali na naman ba rito ang Department of  Health (DOH) katulad nang nakaraang taon na hinayaang makapasok nang makapasok ang mga dayuhan kahit mayroon nang advisory ng “misteryong sakit” mula Wuhan, China. Kumilos lamang ang DOH noong Enero 30, 2020 makaraang makapasok ang isang dayuhan at naka-pagliwaliw na sa Cebu City. Ang kasunod niyon ay ang mala-bangungot nang pagkalat ng virus na hanggang ngayon ay nagdudulot nang pasakit sa bansa.

Ngayong nasa bansa na ang bagong COVID va-riant, dapat isama na sa travel ban ang UAE sapagkat posibleng may makapasok pang carrier nito. Huwag na sanang urong-sulong pa ang DOH. Ang mabagal na pagpapasya ukol sa nakahahawang sakit ang nag­lalagay sa bansa sa kumunoy ng dusa.

Nasa 32 bansa na ang isinailalim na sa travel ban. Kabilang pa sa mga binawalan ang United States at China. Sana ibilang na ang UAE. Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang tsansang pata-wan ng travel restriction ang UAE. Hinihintay na lamang daw ang pormal na desisyon mula kay President Duterte.

Gawin sana ito sa lalong madaling panahon para wala nang makapasok pang variant ng COVID-19. Matuto na sa karanasan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with