^

Punto Mo

Hindi ako susuko (100)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UMIIBIG kaya sa kanya si Hillary?

Naiisip iyon ni Reagan.

Madalas kasing napapansin niya na nahuhuli niyang nakatingin sa kanya si Hillary. At madalas din na nagbibiro ito na hahalikan siya.

Gaya minsan, akma siyang hahalikan dahil hinamon niya ito. Pero iyon ay biro lang. Hindi siya seryoso sa paghamon dito.

At madalas din na napapansin niyang may pagkakataong naiinis sa kanya si Hillary. Siguro’y dahil hindi siya nagpaparamdam kahit na halata namang nagpapakita na ng motibo si Hil-lary. Wala talaga naman kasi siyang nararamdaman para kay Hillary. Aywan niya. Siguro’y dahil sa marami pa siyang iniisip ukol sa trabaho at ganundin sa mga responsibilidad niya sa mga magulang at kapatid.

Pero sa totoo lang, napa-kabait ni Hillary at masu-werte ang lalaking makaka­partner nito habambuhay. Bukod sa mabait ay matalino at maganda pa.

Kaya nga siguro lagi siyang kinukulit ng kanyang tatay at nanay na bakit hindi ligawan si Hillary.

Sabi ng nanay niya, muk­hang magiging mabuting asawa si Hillary.

At ngiti lang ang isinasagot niya sa kanyang ina.

Kung si Hillary ang magiging kapartner niya habambuhay, hahayaan niyang ang tadhana ang gumawa niyon.

Kung talagang si Hillary ang makakatuluyan niya, wala siyang magagawa.

ISANG araw sa opisina. Busy si Reagan sa kanyang ginagawang project nang big­lang dumating ang kanyang mabait na boss.

Mukhang may mahalagang ibabalita sa kanya. Nababasa niya sa ekspresyon nito.

‘‘Busy ka ba Reagan?’’ ta­nong nito.

“Hindi naman po Sir.  Bakit po?’’

“May sasabihin ako sa’yo tungkol dun sa binigay mong painting sa akin – ‘yung Sir Abe painting ba?’’

“Opo. Ano po ang tungkol sa painting, Sir?’’

“Mayroong isang babae na nagkakagusto sa painting na ‘yun. Talagang gustung-gusto at kahit daw magkano ay babayaran niya. Sabihin ko raw ang presyo at babayaran niya…’’

Napamaang si Reagan.

Saglit na ‘di nakapagsalita. (Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with