^

Babae sa Canada, nilagyan ng tali na parang aso ang kasamang lalaki para makalusot sa curfew

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 16, 2021 - 12:00am

PINAGMULTA ng mga pulis sa Canada ang isang babae matapos nitong subukang lumusot sa curfew sa pamamagitan ng paglagay ng tali sa kasama niyang lalaki na nagmistulang aso.

Nagpatupad kamakailan ang Quebec province ng 8:00 p.m. curfew upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus doon pero pinapayagan ang paglabas lampas sa nasabing oras para sa mga gustong ipaglakad o ipasyal ang kanilang mga alagang aso.

Kaya naman kakaiba ang kaso ng babae dahil nang sitahin siya ng mga pulis ay hindi isang aso kundi isang lalaki ang kasama niyang nakatali.

Nang tanungin kung ano ang ginagawa niya, seryosong sinagot ng babae ang mga pulis na ipinapasyal niya ang kanyang “aso”.

Dahil malinaw na sinusubukan lamang ng babae ang pasensiya ng mga pulis ay agad siyang tiniketan ng mga ito at pinagmulta ng CAD $1,500 (katumbas ng P50,000).

Wala namang nakitang pagsisisi sa babae, na nangako pang gagabi-gabihin niya ang paglabas sa kabila ng lockdown.

CANADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with