Madyik

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

NOONG kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya, awang-awa ako sa mga doktor na nagbuwis ng buhay dahil lang sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Bigla ko tuloy naalaala ang aking neurologist noong ako’y na-stroke 13 years ago.

Siya ang doktor na sa halip na magbigay siya ng encouragement sa kanyang pasyente ay discouragement ang aking natanggap. Wala siyang kagana-ganang doktor. Malakas ang kanyang boses na parang laging nayayamot. May pagkasuplado pa gayong kapag nagsasalita naman siya ay naiipon sa gilid ng labi ang malapot-lapot niyang laway. Nakakaasar na’y kadiri pa ang doktor na ‘yun. Naalaala ko tuloy ang istorya ng isang magaling at mabait na doktor, si Doc Robert.

Noong maliit pa siya ay nagkasakit nang grabe ang kanyang bunsong kapatid. Uso pa noon na ang doktor ay puwedeng mag-home service. Habang tsinetsek-ap ng doktor ang kanyang  kapatid sa bedroom nito ay pinalabas silang mag-anak sa kuwarto. Hindi niya makakalimutan ang nakaguhit na pagkabahala sa mukha ng kanyang ama’t ina. Siya naman ay kabadung-kabado rin.

Lumabas ang doktor na nakangiti at sa malumanay na pagsasalita ay sinabi nitong huwag silang mag-alala dahil stable na ang kalagayan ng kanyang kapatid. Hindi niya makakalimutan kung paano nagliwanag ang mga mukha ng kanyang magulang habang kausap ang doktor. Isa-isa nitong ipinaliwanag sa kanyang ama’t ina ang sanhi ng pagkakasakit ng kanyang kapatid at mga paraan upang hindi na muling magkasakit.

Ang tingin niya sa doktor nang mga sandaling iyon ay isang anghel na gumawa ng madyik upang gumaling ang kanyang kapatid at nagmadyik para mawala ang pag-aalala nilang mag-anak. Iyon ang kauna-unahang sandali na pinangarap niyang maging isa rin doktor. Gusto rin daw niyang magmadyik kagaya ng doktor na iyon.

Si Doc Robert ang isang klase ng doktor na hindi ka pa natsetsek-ap ay tila pakiramdam mo’y gumagaling ka na habang nakikipagkuwentuhan siya sa iyo. Bukod sa magaling siyang doktor ay napaka-pleasant ng kanyang personality. Lagi kasing nakangiti at puro positive lang ang maririnig mo sa kanya. Never siyang magsalita ng mga bagay na ikakawindang ng kanyang pasyente. At higit sa lahat, hindi siya naglalaway habang nagsasalita.

              

MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with