Pamilya sa Indonesia, kasa-kasama pa rin ang kalansay ng yumaong mga kamag-anak sa pag-asang mabubuhay muli ang mga ito

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

ISANG Indonesian family ang dalawang taon nang namumuhay kasama ang kalansay ng dalawa nilang kapamilya ang natuklasan ng mga pulis sa Cimahi, West Java sa Indonesia.

Aksidenteng natuklasan ang kahindik-hindik na sitwas­yon na ito ng mga kinauukulan nang magsumbong sa pulisya ang isang health officer na may masamang amoy na nanggagaling sa tahanan ng isang 77-anyos na ginang na nagngangalang Neneng Hatidjah. Lalo pang naghinala ang health officer nang ayaw siyang papasukin ng ginang sa loob ng tahanan.

Nang puwersahang pinasok ng mga pulis ang tahanan, natuklasan na may dalawang kalansay na nakatago sa isang silid tulugan ng tahanan at ito ay ang  85-anyos na asawa at 50-anyos na anak ni Hatidjah na dalawang taon nang namatay.

Dose-dosenang bote ng pabango ang natuklasan sa tahanan na ginagamit ng ginang para itago ang masangsang na amoy ng mga labi. Nalaman din na binubudburan pa niya ito ng powdered coffee para hindi umabot sa mga kapitbahay ang amoy ng mga bangkay.

Ayon sa panayam ng isang local news sa dalawa pang anak ni Hatidjah, nakakarinig daw ang ginang ng mga bulong na nagsasabing mabubuhay pa ang kanyang mag-ama kaya hindi niya ito pinalibing. 

Hindi kinasuhan ang ginang ngunit patuloy ang imbestigasyon kung may foulplay na naganap sa pagkamatay ng kanyang asawa’t anak.

 

INDONESIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with