^

Punto Mo

Sino si Antonio Cabanatan?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IGINIGIIT ng intelligence community na si Antonio Cabanatan ay regular member ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP). Idinagdag pa nila na si Cabanatan ay mas mataas pa ang posisyon kay Benito Tiamzon, na at large pa sa ngayon. Si Cabanatan ay humawak ng kung anu-anong katungkulan sa CPP hanggang marating n’ya ang kanyang posisyon sa ngayon. Maraming sinalihan na pag-atake sa police stations at mga sundalo ng gobyerno itong si Cabanatan kaya’t may ilang warrant of arrest ito. Ano ba ‘yan?

Si Cabanatan at ang asawang si Florenda Yap ay natagpuang patay sa kanilang nirerentahang bahay sa Bgy. Botong, Oton, Iloilo noong Disyembre 26, ang 52nd founding anniversary ng CPP. Kung si Cabanatan ay 70-anyos na at si Yap naman ay 60-anyos ang ibig sabihin ay ilang dekada na rin ang pagsisilbi nila sa kilusan. Kaya lang, bakit tahimik ang CPP-NPA-NDF sa pagkamatay ni Cabanatan at Yap na para bang hindi sila kabilang sa organisasyon. Araguuyyyyy!

Sinabi ni PRO6 director Brig. Gen. Rolando Miranda na wala pang nag-identify sa dalawang bangkay hanggang kahapon. Ang palatandaan lang ay “kuba” ang lalaki. Kung sabagay, ang isa sa alyas ni Cabanatan ay “buktot” na sa salitang kinaray-a sa Iloilo ay “kuba,” ‘di ba kosang Ven Salvilla Sir?

Ayon sa intelligence community, si Cabanatan ay gumagamit ng alyas na Dama, Kuba, Tibo, Buktot, Peter, Daya, Charlie, Dana, Danny, Ranato, Wantu, Kulas, Bokto, Pe, Roger, OT at Peter sa kilusan samantalang si Yap naman ang alyas ay Dayon at Nene. Maliban sa Politburo member ng CPP, si Cabanatan sa kasalukuyan ay miyembro rin ng National Military Commission; chairman ng Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK); chapter secretary ng Cebu provincial council; member ng SDK National Council, at chairman ng Consolidation for the Revolutionary Youth (CRY).

Si Yap naman ay dating finance head ng KOMMID; at sa kasalukuyang 2nd deputy secretary ng KOMMID, at acting finance officer ng CPP Central Committee. Tsk tsk tsk! Malaking dagok sa Kilusan ang pagkawala nina Cabanatan at Yap, di ba mga kosa?

Sa record ng intelligence community, si Cabanatan ay sangkot sa raid sa police station sa Eastern Samar noong Marso 26, 1979; at sa disarming ng police force ng Matuguinao, Eastern Samar noong Mayo 13 sa ganung taon din. Itinuturo rin siya na may malaking papel sa pagkamatay ng 900 rebelde na pinagsususpetsahang government spies sa tinatawag ng NPA na “Operation Ahos” noong ‘80s sa Mindanao.

Hindi lang ‘yan. Si Cabanatan ay nagbibigay din ng lectures tuwing plenum o anibersaryo ng CPP-NPA, anang report ng intelligence community, at palagi itong binibigyan ng honor ng liderato ng Kilusan.

Sumapi si Cabanatan sa CPP noong formative years nito. Matapos ang dalawang taon, na-assign ito sa Northeast Mindanao bilang ideological/political officer. Nakabase siya sa Iligan City nang i-represent ang CPP Central Committee sa Samar para palawakin ang political at organizational know-how ng Kilusan, lalo na sa aspeto ng advance strategic warfare.

Noong 2006, si Cabanatan, at 51 pang iba, kasama na ang mga  lider ng CPP at apat na party-list representatives ay kinasuhan ng rebellion/ insurrection sa planong pagpatalsik sa puwesto kay ex-president Gloria Macapagal Arroyo. Si Cabanatan at Yap na kaya ang pinaslang sa robbery incident sa Oton, Iloilo? Abangan!

 

vuukle comment

CPP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with