^

Punto Mo

Panahon ng bakunahan laban sa COVID-19

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

PAGKATAPOS ng mga quarantine, lockdown, face mask, social distancing at iba pang bagong normal sa nagaganap na pandemya, tila pumapasok na tayo sa yugto ng mga pagbabakuna na sinasabing solusyon para makabalik na tayo sa dating normal. Pero, batay sa sinasabi ng mga eksperto, kahit meron nang bakuna, hindi pa rin dapat magwalambahala. Kailangan pang magpatuloy ang mga kaukulang pag-iingat  para tuluyang masugpo ang  pagkalat ng virus.

Mahigit sa 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas pero ipinahayag kamakailan ng isang opisyal ng pamahalaan na 50 hanggang 70 milyong Pilipino ang inaasahang mababakunahan ngayong taong 2021. Hindi malinaw kung bakit pero maaaring may kinalaman sa limitasyon sa suplay.

Ayon kay Presidential Adviser on Peace Process at vaccine czar Carlito Galvez Jr., makakabili ang Pilipinas ng 148 milyong doses ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 mula sa pitong manufacturer pero depende ito sa dami ng mabibiling bakuna dahil nakuha umano ng mga mayayamang bansa ang 80 porsiyento ng pandaigdigang suplay.

Wala namang indikasyon na magiging mandatoryo o obligasyon sa sino man  ang mga pagbabakunang ito kahit  kailangang-kailangan. Marami ring mga Pilipino ang nag-aalangan at nagdadalawang-isip kung magpapabakuna sila o hindi. Maaaring nakakapagpagunita kasi rito ang kontrobersiya noon sa dengvaxia na bakuna laban sa dengue bagaman wala pang depinidong konklusyon o matibay na pruweba kung may kinalaman ito sa pagkamatay ng ilang bata o mga taong  naturukan nito.

Ang naturang pag-aagam-agam ay pinatotohanan sa huling survey ng Pulse Asia na nagsasaad na halos mayorya umano ng mga Pilipino ay ayaw magpabakuna na pangunahing dahilan ay ang sarili nilang kaligtasan. Sinasabi sa resulta ng survey na 95 porsiyento ng mga Pilipino ang nakakaalam na meron nang ginagawang mga bakuna, 47 porsiyento ang nagsabing hindi sila magpapabakuna, 32 porsiyento lang ang handang magpabakuna habang ang natitirang 21 porsiyento ay hindi makapagpasya.

Pagkabahala sa kaligtasan ang dahilan ng 84 porsiyento ng mga nagsabing hindi sila magpapabakuna. Pitong porsiyento naman ang nababahala na baka hindi libre ang bakuna, limang porsiyento ang naniniwalang hindi rekisitos ang bakuna para malabanan ang sakit, at apat na porsiyento ang nag-aalala na baka masyado itong mahal. Isinagawa ang survey noong Nobyembre 23 hanggang Disyembre 2, 2020 batay sa sample ng 2,400 adult.

Pero  marahil, kung paparami nang paparami ang magpapabakuna at lalong mapapatunayang mabisa ito at walang masamang epekto, baka makunbinsi at magbago ng isip ang mga ayaw dito. Hindi nga lang malinaw kung gaano ang itatagal ng bisa ng naturang mga bakuna, kung bibilang ba ng mga ilang linggo,  buwan o taon o panghabambuhay na.  Nakakapagbigay lang ito ng pag-asa na tuluyang masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

• • • • • •

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with