^

Punto Mo

Separation of powers, mas malalim na isyu

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

WINARNINGAN ni Presidente Duterte ang Congress sa pakikialam sa napaulat na pagbabakuna ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) sa kanilang sarili ng anti-COVID-19 vaccine na hindi pa awtorisado ng Food and Drug Administration. Ginawa ni Duterte ang warning matapos na sabihin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kaila-ngang ipatawag si PSG Brig. Gen. Jesus Durante III sa panahon ng pagdinig ng Senado tungkol sa vaccination plan ng gobyerno.

Matindi ang warning ng Presidente na kapag ginawa ito ng Congress, magkakaroon ng “little crisis” at sasabihan niya ang PSG na huwag sagutin ang anumang tanong sa panahon ng pagdinig. At kung ikukulong ng Congress ang mga sundalo dahil sa “contempt,” siya mismo ang kukuha sa mga sundalo. Kapag nangyari ito, hindi lamang maliit, kundi malaking krisis, ang mangyayari sa ating bansa.

Maaaring may katwiran ang Presidente sa pagsasabing, “It’s a matter of self-preservation.” Pero hindi ito ang gusto kong talakayin. Pag-usapan natin ang mas malalim na isyung nakataya, ang tinatawag na “trias politica” o “separation of powers” na pinalaganap noong 18th century ng French political philosopher na si Montesquieu.

Sa Pilipinas, ang kapangyarihan ay pantay na nahahati sa tatlong branches: Executive, ang tagapagpatupad ng batas na pinamumunuan ng Presidente; Legislative, ang tagagawa ng batas, ito ang Congress na binubuo ng Senate at ng House of Representatives; at ang Judiciary o ang Korte, ang taga-interpret ng batas.

Dahil sa magkapantay na kapangyarihan, naisasakatuparan ng tatlong branches ng gobyerno ang layunin na paglingkuran ang mga mamamayan at maiwasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan, sapagkat umiiral ang tinatawag na “check and balance.” Hindi puwedeng sa iisang tao lamang ibigay ang lahat ng kapangyarihan, sapagkat kung magkagayon ay mangyayari ang sinabi ng British historian na si Lord Acton, “Power corrupts and absolute power corrupts absolutely.” Ayon sa mga pag-aaral, ang “sense of morality” ng isang tao’y may tendency na bumaba hangga’t tumataas ang kanyang kapangyarihan.

Si Hesus ay nagturo at nagpakita sa mundo ng kakaibang konsepto ng kapangyarihan. Para sa Kanya, ang taong may kapangyarihan ay hindi dapat nasa itaas, kundi nasa ibaba; hindi dapat naghahari, kundi nagpapaalipin. Sabi Niya sa Mateo 20:25-27, “Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay itinataas ang kanilang sarili bilang mga panginoon sa kanila, at ang kagustuhan ng mga nasa kapangyarihan ang siyang nasusunod.  Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo.  Sa halip, kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod ng iba, at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo.”

Kung ang konsepto ni Hesus tungkol sa kapangyarihan ang iiral sa ating lipunan, ang Pilipinas ay magiging isang munting paraiso at magiging karapat-dapat sa bansag na nag-iisang Kristiyanong bansa sa Asia, sapagkat higit sa 86 percent ng 105 milyong populasyon nito’y mga Kristiyano.

Kung ang susundin ng mga taong-gobyerno ay ang konsepto ni Hesus tungkol sa kapangyarihan, magkakatotoo ang sinasabi sa ating Konstitusyon na “Public office is a public trust.” Ibig sabihin, inaasahan na sa lahat ng oras, ang mga pinuno at empleyado ng gobyerno ay maglilingkod nang buong kaya, katapatan at integridad. Sa gayon, magiging karapat-dapat sila sa katawagang “Your Honor”.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with