^

Punto Mo

2 CPP leaders, pinaslang sa Iloilo!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ANG bangkay ng lalaki at babae na natagpuan sa kanilang nirerentahang bahay sa Oton, Iloilo ay mag-asawang mataas na opisyales ng Communist Party of the Philippines (CPP)? Tahimik ang militar at PNP tungkol sa pagkakilanlan ng dalawang bangkay at hanggang sa ngayon walang kamag-anak na sumusulpot para mag-claim sa mga ito sa Custodio Funeral Homes sa Bgy. Poblacion West, Oton. Kinilala ng intelligence community ang mga pinaslang na sina Antonio Cabanatan at asawang si Florenda Yap, na kapwa mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF.

Maging ang CPP-NPA-NDF ay tahimik din sa pagkamatay ng mag-asawa samantalang sobrang ingay nila sa pagpaslang kina Randy Echanis ng Karapatan sa Quezon City at Agaton Topacio at asawang Eugenia Martinez Magpantay sa Angono, Rizal. Ang masama pa, pinaslang sa robbery incident itong mag-asawa mismo noong Dec. 26, ang 52nd founding anniversary ng CPP. Coincidence? Hehehe! Sa darating na mga araw ang kasagutan nito.

Sinabi ni Brig. Gen. Rolando Miranda, director ng Police Regional Office 6 (PRO6) na marami silang narekober na mga ID sa Bgy. Botong, sa bayan ng Oton subalit wala pang kasiguruhan kung ano ang tunay na pangalan ng dalawang biktima. Ayon kay Miranda hinalughog ng mga suspects ang bahay ng mga biktima at mukhang may hinahanap ang mga ito.

Sa imbestigasyon ng SOCO personnel sa pangunguna ni Maj. Alfonso Cabeles, nakita na may mga ligature marks sa leeg ng dalawang biktima na maaring sinakal hanggang bawian sila ng buhay. Hindi masabi ni Miranda kung mga lider nga ng CPP ang dalawang biktima dahil walang pang lumutang para kilalanin ang mga ito.

Idinagdag pa ni Miranda na on-going pa ang imbestigasyon sa kaso at nanawagan siya sa kamag-anak na lumutang na para magbigay ng salaysay at makatulong ito na malutas ang kaso at mabigyan ng hustisya ang dalawang biktima. Tsk tsk tsk!  Kapag walang testigo malabo na malutas ang kaso, di ba mga kosa?

Sinabi naman ni S/Sgt. Alex Beny Esteves, officer-on-case na inalerto sila sa dalawang bangkay ni Rafael Patches, tanod ng Bgy. Botong bandang 11:40 a.m. noong Disyembre 26. Ang bangkay ng lalaki ay natagpuan sa terrace ng bahay, samantalang ang sa babae naman ay sa itaas ng kama sa bedroom. Halos 70 anyos na ang lalaki samantalang ang babae naman ay nasa humigit-kumulang 60-anyos na.

Ang dalawa ay nagrerenta sa bahay na pag-aari nina Royce Fantillan at Anallen Fantillan. Narekober ng tropa ni Cabeles sa crime scene ang pitong ID na may iba’t ibang pangalan at address, isang Colt cal. 45 pistol, BHB red flag, pulang libro na may titulong Philippine Society and Revolution, isang manual sa Pagsasanay Pangkalusugan, orange na libro na may titulong MIMS, PNP tickler (PSMBFI), OR ng LTO, black wallet, passion ring, at isang passion earring.

Hindi sapat na katibayan ang nabawing ebidensiya para sabihing miyembro ng CPP-NPA-NDF ang mga biktima, ang pahayag pa ni Miranda.

Magkakaroon din ng linaw ang kasong ito, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment

CPP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with