^

Punto Mo

Pandagdag sa kaalaman

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Mabilis magpaantok ang pagtulog sa duyan.

2. Bakit kapag nagpapatahimik tayo ng ibang tao, lumilikha tayo ng sound na sshhh? Automatic na nagpapakalma ang sound na ito sa isang tao dahil ito ang unang sound na nadidinig ng fetus habang nasa sinapupunan ng ina. Ang sshhh ay kahalintulad ng sound ng dumadaloy na dugo sa loob ng katawan ng ina.

3. Kung sino ang nang-api sa iyo, siya rin ang taong manghihingi ng tulong sa iyo pagdating ng araw. As in, wala siyang ‘choice’ dahil tanging ikaw lang sa mundong ito ang makakatulong sa kanya. Kasama na rin ang ganoong pangyayari sa batas ng karma.

4. Ayon sa ginawang statististical analysis ng isang eksperto tungkol sa birth charts ng mga serial killers sa US mula 2006 to 2008, karamihan sa kanila ay may birth month na November.

5. Ayon sa isang pag-aaral, ang anxiety level ng mga estudyante ngayon sa US high school ay kapantay ng anxiety level ng mga mental patients  noong 1950s.

6. Kapag nag-comment ka ng : ‘Ang pangit ko!’ sa harap ng iyong mga kaibigan, at wala ni isa man tumutol sa iyo, then, ‘yun ang katotohanan, pangit ka talaga.

7. Ang problema sa mga taong ‘nakasara ang pag-iisip’, ay  laging nakabuka ang kanilang bunganga sa kadadaldal.

8. Kapag natutulog ka na walang niyayakap na unan o nakapaligid na unan: Hindi mo uga-ling magmadali.

9. Kung may unan or stuff toy na nakapaligid sa higaan: Masayahin ka at laging nakikihalubilo sa mga tao.

10. Kung laging may kayakap na unan: May nami-miss kang tao.

11.  Ang mga “seniors” na pensiyonado ang madalas utangan ng mga kamag-anak. At kadalasan, hindi sila nababayaran, lista na lang sa tubig. Kaya limitahan ang pagpapautang. Baka kung ikaw naman ang mangailangan, hindi ka nila matulungan.

12. Minsan ay hindi mo malaman kung totoo kang nagugutom o hindi. Tanungin mo ang iyong sarili kung gusto mong kumain ng mansanas. Kung hindi, naiinip ka lang at hindi nagugutom. Puwede rin nauuhaw ka lang.

13. Huwag sabihan ang isang tao na mali ang kanyang opinyon kung walang kasamang paliwanag kung bakit sinabi mong mali siya.

14. Kung hindi ka happy sa pagiging single, malaki ang tsansa na hindi ka rin magiging happy kung may karelasyon. Ang kaligayahan kasi  ay nakabaon diyan sa puso mo, wala sa pakikipagrelasyon.

15. Kung naghahanap ka ng ebidensiya bilang pruweba na mahal ka niya, then, hindi ka niya talaga mahal

vuukle comment

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with