^

Punto Mo

Puslit na bakuna, bubusisiin na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mainit pa rin ang isyu sa naganap na pagbabakuna ng  ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

May mga nagnanais nang maimbestigahahan ito kabilang na ang Senado.

Ito kasi ay sa kabila na wala pang inaaprubahan na bakuna ang Food and Drug Administration (FDA).

Sinasabing puslit ang mga bakuna na itinurok sa ilang miyembro ng PSG at ilang miyembro umano ng gabinete.

Hindi lang yan, nabulgar pa nga kamakalawa, na nasa 100,000 Chinese na nasa bansa ang naturukan na rin ng COVID vaccine. Karamihan umano ay mga POGO workers.

May report pa rin na may patagong bentahan na rin ng bakuna sa Binondo.

Hindi naman siguro marahil ang isyu dito eh kung nabakunahan na sila o hindi.

Ang malaking tanong kasi dito, paano naipapasok at sino ang mga nagpalusot  sa mga bakuna na ito.

Kung patago, ilegal, may dapat managot .

Ito  nga ngayon ang bubusisiin na rin ng Senado, FDA , NBI at iba pang ahensya.

Pero ang pinupunto rito ng marami, kung bakit naman daw kasi ang tagal magdesisyon ng FDA sa bakuna. Baka marami na ang naiinip sa bagal nilang magdesisyon marami na ang nagpapalusot at marami na rin ang nakikipagsapalaran nang magpaturok.

 

vuukle comment

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with