^

Punto Mo

Tunay na kuwento ng milagro

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Banal na Ostiya sa Santarem, Portugal

NANGYARI ang milagro noong 1225. Pinoproblema ng isang misis ang pambababae ng kanyang mister. Sa kagustuhang tumino na ito, siya ay humingi ng tulong sa isang mangkukulam. Upang maisakatuparan ang ritwal na magpapatino sa kanyang mister, kailangan ng mangkukulam ang isang ostiya na binasbasan ng pari. Ang paraan lang upang magkaroon ng nabanggit na ostiya ay magkomunyon siya. Kinabukasan ay dumalo siya ng misa sa St. Stephen Church at tumanggap ng komunyon.

Pagkatapos magkomunyon, dali-dali niyang iniluwa ang ostiya sa tela. Alam niyang kalaspatanganan sa Simbahang Katoliko ang kanyang ginawa ngunit anong magagawa niya, mas nangingibabaw sa kanyang puso nang oras na iyon ang kagustuhang bumalik ang init ng pagmamahalan nilang mag-asawa.

Habang naglalakad ang babae patungo sa bahay ng mangkukulam, napansin niyang may tumutulong dugo mula sa telang ipinambalot niya sa Banal na Ostiya. Ito ang tawag ng mga Katoliko matapos basbasan ng pari ang ostiya dahil hindi na ito pangkaniwang ostiya kundi kumakatawan na sa Katawan ni Kristo. Akala ng mga taong nakasalubong niya sa kalye ay may sugat siya sa kamay. Nag-panic ang babae at sa halip ay nagtatakbo siya  pauwi sa kanilang bahay.

Pagdating sa bahay ay itinago niya ang duguang tela na may ostiya sa baul. Kinagabihan ay umuwi ang kanyang mister pero hindi niya sinabi ang nangyari. Kinagabihan ay nagising silang mag-asawa sa liwanag na nanggagaling sa baul. Napilitang ipagtapat ng babae sa asawa ang nangyari. Sabay silang lumuhod, humingi ng tawad at nagdasal sa Panginoong Diyos.

Kinabukasan, dinala nilang mag-asawa ang ostiya at telang may dugo sa pari ng St. Stephen Church. Itinatago ng pari ang ostiya sa kahon na yari sa beeswax upang mapreserba ang ostiya at telang may dugo. Itinago ito sa tabernakulo. Kumalat ang pangyayari sa buong bayan kaya nagkaroon ng imbestigasyon ang pamunuan ng Simbahang Katoliko.

Pagkaraan nang mahabang imbestigasyon, napatunayang totoo ang milagro at ito ay inaprubahan ng pamunuan ng Simbahan. Inilipat ang ostiya at tela sa ‘‘monstrance’’ na yari sa gold at silver at may transparent glass para nasisilip pa rin ang nasa loob. Ito yung pinaglalagyan ng ostiya at idinidispley tuwing Eucharistic adoration.

Pagkaraan ng 750 taon, naroon pa rin sa ‘‘monstrance’’ ang ostiya. Nanatiling sariwa ang dugo at ang ostiya ay nagmukhang ‘‘flesh’’ na may ‘‘veins’’.  Ang St. Stephen ay pinalitan ng pangalan at naging  “The Church of the Holy Miracle.”

 

vuukle comment

PORTUGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with