_pang-masa
^

Bagong cell phone na walang charger?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - January 3, 2021 - 12:00am

NAGIGING o magiging kalakaran na pala na, kung bibili ka ng bagong  cell phone,  wala na itong kasamang charger at kable nito. Inakala ko nga noong una nang mabalitaan ko ito na nakalikha na ng telepono na hindi na maglo-lowbat kaya hindi  na kailangang i-recharge ang baterya.  Hindi pala.

Ilang malalaking kompanyang tagagawa ng cell phone ang nagbebenta na  o plano nang magbenta ng mga gadget na ito nang wala nang kasamang  charger. Karaniwan kasing kabilang  ang charger sa mga accessories na kasama sa mga ibinebentang bagong cell phone sa mga pamilihan.  Pero, ngayon, hindi na ito kasama sa mga mabibiling cell phone ang charger at kable nito.

Nililimitahan umano ng naturang mga kompanya ang mga gastusin habang sinisikap na limitahan ang epekto nito sa kapaligiran. Maaari pa naman kasing gamitin ng mga customer ang charger ng dati nilang cell phone.  Layunin din ng hakbang na ito ng mga manufacturer ng cell phone na limitahan ang nagtatambakang  mga charger na hindi nagagamit.

Sinasabing isa rin itong paraan para makatipid sa gastusin  ang naturang mga kompanya at ang mga gumagamit nito na maaaring makabili ng cell phone sa mas mababang halaga. Sa mas magaang na packaging, mababawasan ang gastusin ng mga cell  phone manufacturer sa shipping at storage habang nililimitahan ang carbon footprint at mababawasan ang waste production. Sinasabi pang, sa dalawang bilyong cell phone na ibinebenta bawat taon sa buong mundo, magi-ging positibo ang epekto nito sa kapaligiran kung gagawin ito ng bawat tagagawa ng cell phone.

Sabagay, nagkalat na rin naman sa kahit saang mga pamilihan ang mga ibinebentang mga recharger para sa kahit anong brand ng cell phone. Sa loob man o labas ng mga shopping mall, palengke, commercial district, at kahit sa mga bangketa, maliliit na tindahan  at iba pang lugar ay may mabibiling charger, brand new man o segunda mano.  Hindi na nga marahil kailangan pang magsama pa ng charger sa binibiling bagong cell phone. Bukod dito, kung meron ka pa namang charger na ginagamit sa dati mong cell phone at gumagana pa at walang ibang mapaggagamitan, maaaring gamitin na lang ito sa bagong biling cell phone.

Isang bentahe nga lang na wala nang abala kung may kasama nang charger ang bagong biling cell phone bukod sa makakatiyak kang original ito. Kaso nga, sa oras na masira ang charger, kalimitang napupunta na lang ito sa mga basurahan. Kakatwa nga na, kadalasan, ang mga nasisiraan ng charger ay pinapalitan na lang ng bago. Maaari namang makumpuni ito pero, dahil marahil halos hindi magkalayo ang bayad sa technician na kukumpuni nito at ang halaga ng bagong charger, nakakagawian na lang ng mga tao na bumili ng bagong charger.

May mga cell phone technician kasi na inirerekomenda na lang ang pagbili ng bagong charger sa halip na kumpunihin ang sirang charger.  Sayang nga lang ang nasirang charger na matatapon lang kahit puwede naman itong ipagawa.

• • • • • •

Email: rmb2012x@gmail.com

CELLPHONE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with