^

Punto Mo

Empleyadong nasa floating status, maaari bang maghanap ng pansamantalang trabaho?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Simula po noong Mayo ay nasa floating status ako sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Noong una ay inakala kong hanggang anim na buwan lang ang itatagal ng pagiging floating ko ngunit in-extend pa ito ng kompanya ng anim na buwan pa uli. Maaari ba akong maghanap muna ng ibang trabaho hanggang hindi pa ako pinapabalik ng kompanya? —Elmer

Dear Elmer,

Oo, maari kang pumasok sa ibang trabaho dahil in-extend ng higit sa karaniwang anim na buwan ang floating status mo.

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng JPL Marketing Promotions v. CA (G.R. No. 151966, July 8, 2005), ipagpapalagay nang nag-resign ang isang empleyado kung siya ay magkaroon ng ibang trabaho habang siya ay nasa floating status na hindi lalampas ng anim na buwan.

Ngunit kung ini-extend naman ng hindi lalampas ng karagdagang anim na buwan ang nasabing floating status nang dahil sa pandemya, pinapayagan sa ilalim ng Department Order No. 215-20 (inisyu ng Department of Labor and Employment noong October 23, 2020) na mamasukan sa ibang employer ang empleyadong inilagay sa floating status.

Nabanggit mong extended ng anim na buwan pa ang pagkakalagay mo sa floating status mo. Ibig sabihin, pasok ang sitwasyon mo sa ilalim ng DO 215-20 kaya hindi dapat ipagpalagay ng kompanya mo na ikaw ay nag-resign kung makakuha ka ng ibang pansamantalang trabaho. Kailangang ibalik ka rin nila sa dati mong posisyon pagkatapos ng anim na buwan o kaya’y bayaran ng karampatang separation pay kung hindi ka na pabalikin at tuluyan ka na nilang alisin.

Gusto ko lang bigyang diin na ang rule na ito ay para lamang sa mga empleyadong inilagay sa floating status ng higit sa anim na buwan. Kung wala pang anim na buwan ang floating status ng isang empleyado ay ang rule sa JPL Marketing Promotions v. CA ang mananaig kung saan ipagpapalagay na resigned ang isang empleyadong namasukan sa ibang employer habang siya ay nasa floating status na hindi lalampas sa anim na buwan.

vuukle comment

TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with