^

Punto Mo

Ang bulok na mangga

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

DALAWANG magkaibigang bata ang nanunungkit ng mangga malapit sa sementeryo. Walang may-ari ng puno kaya kahit sino ay libreng manguha ng mangga. Plano ng dalawang bata na ibenta sa palengke ang makukuhang mangga para may maibili sila ng bigas para sa kanilang pamilya.

Marami na ang napitas ng mga bata kaya hinati nila ang mangga. Nagtago sila sa nitsong walang laman dahil kapag nakita sila ng mga batang siga ay siguradong aagawin ng mga ito ang kanilang mangga. May mga bulok pala silang napitas kaya para maging patas ang hatian, pati bulok ay kailangan nilang paghatian.

Para maging malinaw ang paghihiwalay sa bulok at hindi bulok, sisigaw ang nakatatandang bata ng masama kung ito’y bulok at ihahagis sa kaliwa niya; mabuti naman ang kanyang isisigaw kung hindi bulok at marahan niyang ilalagay sa kanan.

Palibhasa’y nasa loob ng nitso, parang galing sa hukay ang boses ng dalawang bata habang nagdidiskusyon sila.

“Ako na lang ang bahala sa masasamang ito. Itatapon ko na lang ang mga ito sa hukay…’’ sabi ng mas nakakabata  na ang tinutukoy ay mga bulok na mangga.

‘‘Ako naman ang bahala sa mabubuti…’’ sagot ng nakatatanda.

Habang nag-uusap ang dalawa, nagkataong dumaan naman sa may sementeryo ang isang mayamang matanda. Dahil sa boses ng mga bata na tila nagmumula sa hukay, napagkamalan niyang sina Satanas at Hesus ang nag-uusap at pinaghahatian ng mga ito ang masasama at mabubuting kaluluwa.

Natakot ang matanda sa kanyang narinig. Alam niyang hindi siya mabuting tao kaya siguradong kapag namatay siya ay kay Satanas siya mapupunta. Papunta sana siya sa mga squatter na nakatira malapit sa sementeryo. Siya ang may-ari ng lupa at naka-schedule nang araw na iyon na idemolis ang mga squatter.

Dahil sa narinig, nagdalawang isip ang mayamang matanda na palayasin ang mga mahihirap. Hindi pa huli ang lahat. May oras pa para mapunta kay Hesus ang kanyang kaluluwa.

Nang araw ding iyon, na-postpone ang pagdedemolis at may maganda pang announcement na natanggap ang mga tao—ibinigay na ng may-ari ang malawak na lupaing iyon sa mga squatter nang libre.

Samantala, masayang umuwi ang dalawang bata sa kanilang bahay bitbit ang ilang kilong bigas na ang ibinili ay mula sa napagbentahang mangga. May ibinalita sa kanila ang isang kapitbahay: “Hindi na tayo paaalisin dito sa ating tinitirhan, himala na biglang bumait si Don Jose.”

vuukle comment

MANGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with