^

Punto Mo

Sinekretong bakuna!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang hindi maipaliwanag nang husto ni Presidential Security Group (PSG) commander Brig. Gen. Jesus Durante III kung bakit nauna na sa pagbabakuna ang ilang miyembro ng PSG sa kabila na wala pang inaaprubahan ang Food and Drug Admistration (FDA).

Tanging nabanggit nito, libre nilang nakuha ang COVID-19 vaccines mula sa isang source na hindi niya tinukoy.Setyembre pa umano naganap ang pagbabakuna at nito nga lang sumingaw nang mismong ihayag ni Pangulong Digong na may ilang sundalo na ang nabakunahan. 

Pero ayon sa PSG, wala raw alam ang Pangulo sa kanilang pagbabakuna.

Hindi naman ito naging katanggap-tanggap sa ilang opisyal ng gobyerno at sa publiko.

Pumalag din dito ang mga frontliners na una sa listahan nang dapat na mabigyan ng vaccine.

Kamakalawa nga mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tahasang nagsabing na puslit o smuggled ang COVID-19 vaccine na itinurok sa ilang miyembro ng PSG.

Puslit dahil nga wala pa namang inaaprubahan ang FDA at hindi inaawtorisa ng pamahalaan.

Malinaw na paglabag ito sa FDA rules na kailangan naman ay mabigyan ng maliwanag na kasagutan kung bakit ito nangyari at ano ang dahilan bakit ito sinekreto.

Desidido ang FDA na imbestigahan ang insidente dahil mistulang nabastos sila sa nangyari.

Yung ngang kumakalat na report sa Binondo na may nagtuturok na nang bakuna, hindi nga ba’t todo bantay ang mga awtoridad dito, eh bakit ngayon nga naman na hayag na may naganap nang pagbabakuna, sino ang dapat habulin dito.

Ang malinaw na paliwanag tungkol dito ang nais na malaman ng publiko.

vuukle comment

PSG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with