^

Mga Santa Claus, namigay ng face mask sa bangkok habang sakay ng elepante

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 29, 2020 - 12:00am

NAKAPAHINGA ang mga reindeer matapos na ilang “Santa Claus” ang gumamit ng elepante upang mag-ikot sa lansangan ng Bangkok at mamigay ng face masks.

Ilang naka-Santa Claus costumes ang umikot kamakailan sa Bangkok sakay ng mga elepanteng naka-Christmas costume upang mamigay ng face masks sa mga bata at sa mga motorista.

Taunang tradisyon na sa Bangkok ang pagbisita ng mga elepante sa mga eskuwelahan kung saan nami­migay sila ng candy at laruan.

Alinsunod sa social distancing na ipinatutupad ngayong may pandemya ay nanatili lamang sa labas ng eskuwelahan ang elepante, na inabot na lamang sa mga bata ang mga face masks sa pamamagitan ng kanilang mahahabang trunks.

Maigting na pag-iingat ang ipinatutupad ngayon sa Thailand, matapos magkaroon ng outbreak ng COVID cases kamakailan sa isang seafood centre malapit sa Bangkok.

SANTA CLAUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with