^

Punto Mo

Atong Ang, magdo-donate ng P300-M sa COVID vaccine!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAKAIPON na ng P300 milyon ang online sabong na Pitmaster Cup ng negosyanteng si Atong Ang para i-donate sa gobyerno ni President Digong bilang pambili ng bakuna sa COVID-19. Sinabi ni Atong na nakipag-coordinate na sila sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) o sa Department of Interior and Local Government (DILG) kung saang ahensiya ng gobyerno ibibigay ang pitsa.

Iginiit ni Atong na committed na ang grupo niya sa Pitmaster na mag-donate ng P300 mil­yon sa gobyerno para makatulong sa laban vs COVID. Ang gobyerno na ang bibili ng bakuna. At kapag kinakailangan pang tumulong kada buwan, hindi magsasawa ang Pitmaster Cup sa pagtulong, aniya.

Ipinaliwanag ni Atong na ang pagbigay ayuda sa gobyerno sa COVID-19 ay kasama sa cha-rity program ng online sabong na Pitmaster Cup, kung saan binuhay nito ang halos mamamatay na hobby ng mga Pinoy na sabong nitong panahon ng pandemya. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Noong magdeklara ng lockdown si President Digong ng nakaraang Marso, inamin ni Atong na naapektuhan masyado ang industriya ng sabong tulad ng mga breeders, factory ng mga feeds ng manok, laboratory na nagbebenta ng mga vitamins, antibiotics at iba pang mga gamot.

Ayon sa kanya, nawalan ng pag-asa ang mga breeders at ang ilan sa kanila ay pinagpapatay na lang ang mga panabong dahil hindi na kayang pakainin ang mga ito.

Subalit noong makapag-adjust na ang mga Pinoy sa COVID at natuto na ang gobyerno ni President Digong kung paano kontrolin ang virus, inayos ng grupo nila ang «video-video» o online sabong. So far, pumik-ap naman ang negosyo at gumanda na nitong Agosto, Setyembre hanggang nitong Disyembre, kung saan nagkaroon nang pinakamalaking derby ang Pitmaster Cup.

Nabuhay na muli ang industriya ng sabong at ang mga alagang panabong ay naibenta nang muli, ang dagdag pa ni Atong. At higit sa lahat, walang nagkasakit sa grupo ng Pitmaster Cup ng COVID dahil mahigpit nilang sinusunod ang health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) tulad ng social distancing at pagsuot ng face mask o face shield. Hehehe! Totoo kaya itong pinagyayabang ni Atong? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Sa kanyang Christmas message, masayang ibinalita ni Atong na umabot sa 10,053 ang sumali sa “Breeders Cup” ng online sabong ng Pitmaster Cup at ang kabuuang premyo na ipinamahagi nila ay umabot sa P125 milyon, kasama na riyan ang P5,000 sa bawa’t manalong manok.

Nakakataba umano ng puso na tumatawag sa kanilang grupo ang mga OFW at mga seaman sa barko na sa halagang P100 na load ay makapaglibang at magpalipas oras sila sa pamamagitan ng pagpanood ng sabong 24/7.

Subalit hinikayat ni Atong ang mga OFWs at ang mga nasa barko na ‘wag magsugal at kung tumaya man ay moderate lang para hindi maapektuhan ang allotment nila sa kani-kanilang pamilya sa Pinas. Hehehe!

Seryoso kaya si Atong sa mga tinuran n’ya? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Sa susunod na mga araw ang kasagutan. Abangan!

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with