^

Punto Mo

Bakuna na sila, mass testing pa rin tayo!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung sa ibang bansa sinasabing daang libo na ang natu­rukan ng COVID-19 vaccine.

Sa iba pang bansa naman nagsisimula na rin ang pagbabakuna.

Ang hindi malaman, sa Pinas na noon pa sinasabing may pondo at nakahanda nang bumili ng vaccine, eh ang pinag-uusapan pa rin eh mass testing, face mask at face shields.

Sa araw-araw na ulat sa Pinas, milyun-milyon ang bibilhing bakuna sa kung saan-saang kompanya, nagdududa tuloy ang marami na puro yata ito ‘press release’, puro sabi na lang. 

Nagsalita na rin ang mga negosyante na para tuluyang bumalik ang ekonomiya sa bansa eh dapat nang masimulan ang pagbabakuna.

Napu-frustrate pa nga ang marami nating kababayan, dahil imbes na bumili na ng bakuna, bangayan tungkol dito ang maririnig sa mga opisyal ng gobyerno.

Isa pa ito sa magiging dahilan ng pagtagal sa pagbabakuna sa Pinas.

Saan ba ang nagiging problema?

Marami rin kasing daraang channel na talagang nagpapatagal sa proseso. Kaya asahan din na magtatagal din ang bakuna.

Nasan na ba talaga tayo sa usapin ng pagsisimula sa bakuna? Ito ang nais matiyak ng marami nating kababayan.

Mabuti rin at pinag-aaralan na ang posibleng direktang pagbili ng mga LGUs ng doses ng vaccine para sa kanilang mga constituents.

Baka nga mas maging mabilis pa ang ganito , tutal ilang malalaking lungsod na sa Metro Manila tulad ng Quezon City at Maynila ang naglaan na talaga ng pondo para sa COVID-19 vaccine sa kanilang mga nasasakupan at para makatulong na rin sa national government.

Hindi kasi kailangan ngayon ang maraming daldal at papogi points, aksyon ang siyang hinihintay ng mamamayan para tuluyan nang maibsan ang banta ng COVID at tuluyang makabalik na sa normal.

Baka naman mangulelat pa tayo!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with