^

Punto Mo

Estudyante sa Texas, nagsuot ng hazmat suit para kumuha ng exam

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG high school student sa Texas ang dumating sa kanyang eskuwelahan ng naka-hazmat suit dahil sa takot sa COVID-19 at sa kawalan niya ng tiwala sa kakayahan ng mga kinauukulan na maprotektahan ang mga mag-aaral mula sa pandemya.

Napilitan si Mason Kalkofen na pumasok sa Spring Woods High School na nakasuot ng kumpletong personal protective gear matapos i-require ng eskuwelahan na pumasok ang mga estudyante para sa kanilang final exams.

Ginawa ito ni Kalkofen lalo na’t high risk sa COVID-19 ang kanyang ina na maaring magkaroon ng mga kumplikasyon sakaling mahawa siya nito.

Ayon sa pamilya ni Kalkofen, nakiusap sila sa mga kinauukulan na online na lang sana kunin ang exams ngunit hindi ito pinayagan lalo na’t wala pa sa 1% ang nagkakasakit sa eskuwelahan.

 

TEXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with