^

Punto Mo

Sindikato ng swindling inupakan ng PNP-AKG

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NASAKOTE ng PNP Anti-Kidnapping Group ang isang Korean national at apat na galamay nitong mga Pinoy dahil sa kasong syndicated estafa matapos ang ginawang entrapment operation sa Maynila, nang magreklamo ang dalawang Korean nationals na kanilang dinenggoy.

Ibinida ni Maj Ronald Lumactod Jr., tagapagsalita ng PNP-AKG na ipi­naaresto ni Brig. General Jonnel Estomo, PNP-AKG chief, sina Choi Donguk, korean national, Ken Montemayor, Venice Gana Gonzales, Shirley Bacani at Jaimee Antonio.

Kuwento ni Lumactod, bandang 1:30 a.m. kumilos ang kapulisan para hulihin ang mga suspects sa isang lugar sa Luis Maria Guerrero St., Malate, Manila, matapos magsumbong sa kanila ang isang Gye Sung Man, Korean national, dahil pina-ngakuan daw siya ng mga suspects na ang salaping ilalabas niya ay madodoble oras na sumama ito sa isang casino at magsugal bitbit ang US$250,000 o P12 million.

Ginoyo ng mga suspek ang kanilang biktima na ilagay ang pera nito sa isang metallic box para maprotektahan ang salapi pero ang masama hindi napansin ng suman este mali Sung Man pala na nagkaroon nang mabilis na switching sa box at pagkatapos ay nag-alisan ang mga kamote porke may lalakarin pa raw sila.

Nakatunog ang biktima nang hindi bumalik ang mga suspects sa pinag-usapang oras kaya naman binuksan nito ang pinaglagyan ng pera para tiyakin na naroon pa ito sa loob.

Laking gulat ni Sung Man dahil US$1.00 lamang ang laman ng box.

Ayon sa kuwento ni Lumactod, isa pang Korean national na si Kwon Jehak ang titirahin ng grupo kaya naman matapos ang mga information ibinigay sa kapulisan ay bumuo ito ng team para putulin na ang mga kalokohan ng mga kamote.

Sa operasyon ng PNP-ASG nakuha sa mga kamote ang P500,000 cash money ni Jehak at isang kulay itim na Mitsubishi Montero na walang plaka.

Crying like ang cow, ang mga suspects na himas-rehas na ngayon.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with