^

Hindi tauhan ng BITAG si Benjie dela Cruz aka ‘Timbog’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - December 17, 2020 - 12:00am

MARAMI nang sumubok na gamitin ang pangalan naming magkakapatid na Tulfo. Kung hindi sa kabutihan, minsan sa kalokohan, ito ay ginagamit bilang panakot. 

Isang Benjie dela Cruz alyas “Timbog” ang isinumbong sa BITAG dahil sa pagsisiga-sigaan nito sa kanilang lugar sa Caloocan.

Nangungumpronta at umeepal sa mga kaso ng barangay dahil ang pakilala niya ay taga-media raw siya at staff ng Tulfo Brothers. 

Hindi ko naging tao ang kolokoy na ito. Dati siyang alalay ng mga gurang na cameraman ng BITAG.

Tumutulong daw siya sa mga inaapi. Ang siste, kinakaladkad ang pangalang Tulfo.

‘Yung isa sa kanyang mga kinumprontang senior citizen na lola, inatake ng nerbiyos sa harap mismo ng Lupon ng Barangay. Kaya umabot sa aking tanggapan ang sumbong na ito.

Hindi naman imbitado sa barangay pero mahilig umepal itong si Timbog dahil kamag-anak daw niya ang inirereklamo sa Lupon. 

May iba pang impormasyong natatanggap ang BITAG hinggil dito simula nang maipalabas namin sa telebisyon.

Kaya naman simpleng mensahe ang iniwan ko kay Benjie alyas “Timbog”, ang kakayanang tumulong ay dapat ginagamit sa kabutihan at hindi sa pang-aabuso. 

Walang problemang tumulong kahit na gayahin pa ang aking estilo. Ang problema rito ay kapag ikaw mismo ang nang-aapi, nananakot gamit pa kaming Tulfo Brothers (T3).

Lilinawin ko na hindi naging staff ng BITAG ang kolokoy na si Benjie dela Cruz alyas “Timbog”.

Kay Tol Raffy naman, matagal na niya itong sinibak at hindi rin tumagal sa kanyang grupo.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with