^

Unibersidad sa Indonesia, nagbibigay ng scholarship sa mga kabataan na may 10,000 subscribers sa Youtube

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 17, 2020 - 12:00am

NOON ay ginagamit lang bilang libangan ang paggamit ng internet, pero karamihan na sa mga tao ngayon, ay ginagamit na rin ito sa kanilang trabaho, business at maging sa pag-attend ng klase.

Sa panahon kung saan malaking parte na ng ating buhay ang internet at social media, ang pagkabihasa natin sa mga bagay na ito ay maaari na rin pala nating magamit upang maiangat ang ating edukasyon.

Sa Jakarta, Indonesia ay may isang unibersidad na ginagamit na ring sukatan sa pagtanggap ng mga estud-yante ang dami ng subscribers sa Youtube.

Karamihan ng mga unibersidad sa buong mundo ay marka sa report card noong high school at puntos sa entrance test ang basehan ng kung sino ang tatanggapin nilang estudyante. Pero nito lamang June 2020, inanunsyo ng National Development University Veteran Jakarta (UPNVJ) na hindi na kaila-ngang kumuha ng entrance exam ng mga estudyanteng Youtubers na may 10,000 subscri-bers at may mahigit 100,000 views ang mga ini-upload na vi-deos.

Ang aplikanteng pasok sa criteria ay isasalang sa isang pagsusulit: Ang gumawa ng video na may kinalaman sa mission at vision ng unibersidad. Ang makakagawa ng magandang content ay maaari pang makatanggap ng scholarship.

Ayon sa rector ng unibersidad na si Erna Hernawati, naisipan nila ang programang ito dahil naniniwala ang unibersidad na kapag nabigyan nang maayos na edukasyon ang mga kaba­taang social media influencers ay makakapag-impluwensiya sila ng ta­lino at kabutihan sa ibang tao.

YOUTUBE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with