^

Punto Mo

EPD, naghahanda vs darating na bagyo!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAY apat na bagyong darating sa bansa mula ngayong Disyembre hanggang Mayo sa susunod na taon kaya ngayon pa lang, nagsisimula nang maghanda ang Eastern Police District (EPD) para mapabilis ang pagresponde nila at maiwasang magbuwis ng buhay ang mga kababayan natin.

Alam n’yo naman mga kosa na palaging lubog sa baha ang Marikina City at malaking parte ng Pasig kaya naisipan ni EPD director Brig. Gen. Matthew Baccay na magtayo ng EPD command center kung saan darating dito ang lahat ng reports tungkol sa lugar na sinalanta ng bagyo at tutukuyin din dito ang klaseng responde ng kapulisan.

Nang bayuhin ng bagyong Ondoy, Habagat, Rolly at Ulysses ang Marikina, aba malaking bahagi nito ang lubog sa baha kaya hindi na nagpatumpik-tumpik si Baccay at sa pag-upo niya sa EPD nitong nakaraang buwan ay kaagad niyang isinulong ang ideya na magpatayo ng EPD command center para paghandaan ang mga darating pang bagyo nang sa gayon maiwas sa kapahamakan ang ating mga kababayan sa eastern Metro Manila. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak!

Kung sabagay, kasama na itong paghahanda ni Baccay sa kautusan ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP Deputy chief for Administration na sasanayin ang mga pulis sa search and rescue operation para maging handa ang PNP magresponde tuwing may bagyo.

Sinabi ni Baccay na ang EPD command center ay naisangguni na niya kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa kanyang courtesy call. Sumang-ayon naman si Teodoro sa plano ni Baccay at ilalapit din niya ito kina Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, Pasig City Mayor Vico Sotto at San Juan Mayor Francis Zamora. Sino ba ang aayaw dito sa EPD command center kung ang layunin nito ay ang pagsagawa ng makabagong paghanda at pagresponde sa bagyo?

Kapag naitatag na itong EPD command center, magkakaroon na ng magandang coordination at komunikasyon sa apektadong lugar at mapabilis na ang pagresponde rito ng search and rescue teams ng pulisya. Malaki ang magiging papel ng LGU sa proyektong ito, lalo na sa aspeto ng funding, ani Baccay. Hehehe! Kapag naidiga na ni Baccay ang proyektong ito sa mga mayors ng siyudad ng eastern Metro Manila, tiyak positibo ang tugon nila, di ba mga kosa?

Ito kasing Pinas mga kosa ay tinatawag na typhoon path kaya halos taun-taon may malalakas na bagyong dumadaan sa bansa. Siyempre, tuwing may bagyo, hindi makakatulog nang mahimbing ang mga residente sa mababang lugar ng Marikina City, Pasig City at maging sa gilid ng San Juan river sa pangambang lumubog ang kanilang lugar. Nakaka-stress din, di ba mga kosa?

Lalo na’t inanunsiyo ng PAG-ASA na may apat pang darating na bagyo sa bansa hanggang Mayo sa sunod na taon kaya’t nasa tamang hakbangin itong si Baccay, na malayo pa lang ang delubyo ay nakahanda na ang puwersa niya. Iginiit ni Baccay na hindi lang pagresponde sa apektadong lugar ang pinaghahandaan nila kundi maging pagkalipas ng bagyo kung saan nasa unahan din ang EPD sa relief operations. Tsk tsk tsk! Naiiba talaga si Baccay, no mga kosa? Sana dumami pa ang lahi ni Baccay sa hanay ng kapulisan. Abangan!

 

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with