^

Punto Mo

Probationary employee, maari bang matanggal nang agaran?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ako po ay isang probationary employee sa aking pinapa­sukang kompanya. Limang araw bago matapos ang aking probationary period, ako po ay nakatanggap ng sulat na nagsa­sabi na ako ay hindi na maaring pumasok pagkatapos ng huling araw ng aking probationary period. Sa sulat ay ipinali­wanag  sa akin na hindi ko nagampanan nang maayos ang aking­ trabaho at hindi ako pumasa sa evaluation test ng kompanya. Maari po ba akong mag-file ng illegal dismissal laban sa kompanya dahil bigla-biglaan naman yata ang pagkakatanggal sa akin at hindi man lang ako nabigyan ng oportunidad para ako ay makapagpaliwanag?—Marshall

Dear Marshall,

Sa nakikita ko ay malabong  illegal dismissal ang naging pagkakatanggal sa iyo. Ang mga probationary employees na katulad mo ay maaring tanggalin sa trabaho ng kanilang employer dahil sa mga (1) “just causes” na nakasaad sa Labor Code o (2) kung sakaling hindi nila maabot ang mga standards na itinakda at ipinaliwanag sa kanila noong sila’y i-hire upang sila ay maging­ regular na empleyado.

Ayon sa Implementing Rules ng Labor Code, ibang proseso ang sinusunod sa pagtatanggal ng isang probationary employee kung ang pagkakatanggal sa kanya ay dahil hindi siya pumasa sa evaluation.

Kumpara sa pagtatanggal ng isang regular na empleyado na kailangan  ang “twin notice” rule  o pagpapaalam ng dahilan ng kanyang pagkakatanggal at ang pinal na pasya na siya ay tuluyan nang tanggalin, isang notice lang ang kailangang maibigay sa isang probationary employee na hindi pumasa sa evaluation.

Ibig sabihin nito ay hindi na kailangang magdaos ng hearing para sa ginawang pagtatanggal ng isang empleyadong hindi nakapasa sa evaluation. Kailangan lang na mabigyan ng written notice ang empleyado ukol dito sa loob ng madaling panahon mula sa date ng kanyang termination.

Kung naipaliwanag naman sa iyo dati ang mga kailangan mong gawin upang ikaw ay maging regular, malabong illegal dismissal ang ginawang pagtanggal sa iyo dahil ikaw ay nakatanggap naman ng sulat mula sa iyong kompanya limang araw bago matapos ang iyong probationary period at naipaliwanag din ng HR Department ang rason ng iyong pagkakatanggal. Sapat na ito upang masabi na nasa ayos naman ang naging proseso ng iyong naging termination.

 

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with