^

Punto Mo

Jueteng apps, lumang tugtugin na

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HI-TECH na ang dayaan bolahan o jueteng dahil puwede nang tumaya sa online ang jueteng bettors. Sabi nga, may jueteng apps na pero matagal na pala ito!

Sa ngayon nakanganga ang mga kubrador dahil hindi sila makakakuha ng komisyon sa gambling lord porke naka-online ang tayaan ngayon.

Kumikita kaya ang jueteng online?

Hindi pa ito kinakagat ng mga mananaya dahil alam nilang hindi biro ang dayaan dito. Sabi nga, kung gustong ikanal ang mga mananaya ay madaling gawin ng mga jueteng financers. Ang jueteng apps pala ay nadiskubre ng bright gambling lord bright dyan sa Isabela na si alyas “Polpol dedee”, matapos itong turuan ng mga magagaling na IT’s.

Kambiyo issue, ilang beses tinuruan ng grupo ni alyas “Polpol dedee” ang mga kubrador sa probinsiya pero hindi nila ito nakakagat. Bakit?

Hindi sila marunong o hirap silang intindihin ang itinuturo para makapangubra sa bagong hi-tech jueteng apps operation.

Sabi nga, maraming bopol na mga gurang na kubradores. Hehehe!

Matagal na ang jueteng apps na itinutulak sa mga probinsiya at sa mga korap na mga taga-LGU’s pero hindi kinakagat ang sistema ng dayaan bolahan dahil alam ng mga mananaya na lalong madidiskaril ang pera nilang itataya rito. 

Sabi nga, hindi biro ang dayaan sa jueteng apps number game!

Matindi ang kumbinsihan sa jueteng apps operations kinausap ng management ang mga papasahang “franchise” ng jueteng operations at ipinangakong maganda ang kitaan dito bukod pa sa maliit lamang ang intelihensiya o gastos sa mga papatong na korap government officials na mga matatakaw sa pitsa.

Ang siste nga lamang ay hindi matuto-tuto ang mga kamoteng tinuturuan kaya naman sa mga kabo nila ito ipinagawa para sila na rin ang kubrador gamit ang kanilang mga cell phone para sa tayaan blues.

Kaya lang ayaw ng mga mananaya sa jueteng apps system dahil mas gusto pa nila ang sabong online.

Ang plano ng mga nakaimbento ng jueteng apps ay ibenta ang kanilang system pero walang kumagat dahil may ilang probinsiya na ang mga financers sa jueteng ay mga bigtime at mahirap kataluhin tulad sa Region 3 si alyas “dose” ang nagpapatakbo ng mga illegal gambling, sa Baguio si alyas Luding at sa Batangas ay si Cesar “yeyes” na puwedeng ipapatay ang sino man unggoy na manggugulo sa kanilang operasyon.

Sabi ng isang gambling lord, kailangan ako ang bangka diyan sa jueteng apps para makontrol niya ang malalakas na numero na maglalabasan. Magkahulihan kaya rito? Iyan ang problema ng mga taga-PNP at NBI anti-cybercrime. Abangan.

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with