Ramon S. Ang, aktibo vs pagbaha sa Metro!
HINDI sapat na magbigay lamang ng ayuda para sa mga kababayan nating sinalanta ng mga kalamidad. Ito ang paniwala ni San Miguel Corporation (SMC) president at COO Ramon S. Ang kaya siya ay tumutulong sa gobyerno para ipatupad ang long-term projects para pigilan ang pagbaha sa bansa.“Flooding is a multi-faceted problem and requires multiple approaches. It’s also not just the concern of government or those provinces who are always affected by it. It’s a concern of all of us Filipinos, and we can all contribute to solving it,” ayon kay Ang o RSA sa business community.
Sa talaan kasi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) may 213 lugar sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Luzon ang binaha nang tumama sa bansa kamakailan ang bagyong Rolly at Ulysses. Marami sa kababayan natin ang nagbuwis ng buhay, at ang iba naman ay nauwi sa pagkawala ng mga naipundar na gamit o kabuhayan.
Ngunit naniniwala si Ang na hindi helpless ang mga Pilipino para pagilan ang baha. “There are many factors that lead to flooding, some are natural-occurring, but many are man-made. There are ways we can mitigate or minimize their impact,” ani Ang. Hehehe! Sana tularan ng tinatawag na mga oligarch itong magandang ehemplo ni RSA. Sana all!
Kasama sa binaha noong bagyong Rolly at Ulysses ay ang Metro Manila, lalo na ang mababang lugar ng Malabon at Navotas kung saan dumadaloy ang Tullahan river. Ang ginawa ni RSA ay nagsagawa ng P1 bilyon dredging sa 27-kilometrong ilog kung saan ang layunin ay laliman ng limang metro ang Tullahan river para hindi na mag-overflow ang tubig sa darating pang mga bagyo. Itong dredging ng Tullahan river ay kasama sa CSR projects ng SMC sa environment protection, kung saan nakahilera dito ay coastal clean-up, tree planting, reforestation at river rehabilitation.
Iginiit ni RSA na itong mga kalamidad ay naghikayat sa mga stakeholders na magkaisa para magkaroon ng long-term solution ang mga ito para hindi lang protektahan ang ari-arian at kagamitan ng mga Pinoy kundi mailayo din sila sa kapahamakan. Kapag natapos na ang trabaho sa Tullahan river, isusunod naman ni RSA itong bahagi ng ilog sa Valenzuela at Caloocan City. Kapag naging matagumpay ang proyekto sa Tullahan river nais din ng probinsiya ng Bulacan na hukayin ang Marilao-Meycauayan at Obando river system. May plano din ang SMC na hukayin ang Pasig River para pag-ibayuhin ang daloy ng tubig na saklaw ng Pasig river Expressway project.
Aktibo rin ang SMC sa pagtatanim ng mangroves sa Coastal areas ng Central Luzon at Bulacan kung saan itatayo ang makabagong airport para din maiwasan ang pagbaha. Kapag may delubyo andunkaagad itong si RSA, hindi lang para magbigay ng ayuda, kundi mag-umpisa ng proyekto para makinabang ang mga Pinoy. ‘Yan ang tinatawag na malasakit sa kapwa. Abangan!
- Latest