^

Punto Mo

Manila-Mindanao drug connection, nabuwag ng PDEG!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY Anniversary sa PM PangMasa!

• • • • • •

NABUWAG ng PNP Drug Enforcement Group ang Manila-Mindanao connection ng isang drug syndicate matapos maaresto ang dalawang miyembro nito sa isang drug sting sa Taguig City at nakumpiskahan ng 8 kilong shabu na nagkakahalagang P54 milyon. Sinabi ni PDEG director Brig. Gen. Ronald Lee na sina Marlon Bayan, 32, and Guimalodin Ebrahim, 27, ay matagal nang courrier ng drug syndicate na bumibiyahe sa Mindanao dala ang supply na droga. Hindi naman pumalag sina Bayan at Ebrahim nang masakote sa isang mall sa Bgy. Bicutan, Taguig City, ani Lee. Dipugaaaa! Sana nanlaban ang mga ‘yan!

Sinabi ni Lee na itong sina Bayan at Ebrahim ay tinugaygayan na ng mga operatiba ng Special Operations Unit 8 ng PDEG noong nakaraaang buwan sa ilalim ng Case Operation Plan (COPLAN) Bloodstone na inihain niya para puksain ang Manila-Mindanao connection ng drug syndicate. Aniya, lahat ng miyembro nito ay mga native ng Mindanao na nakabase sa southern Metro Manila. Nakuhang makipag-deal ang SOU8 ng isang kilo ng shabu sa mga suspect sa halagang P1 milyon at napagkasunduan nilang magkita sa mall sa Bicutan. Siyempre kung ilang beses ding binago ng mga suspects ang rendezvous points para iligaw ang mga operatiba ng SOU8 hanggang masakote sila. Nakuha pa sa ginamit nila na itim na Ford Ranger (NED 9942) ang pitong kilo na shabu at ang ginamit na “boodle” money. Dipugaaaa! Sana ma-trace ng mga bataan ni Lee ang source ng shabu ng mga suspects.

Samantala, inireport din ni Lee na nakumpiska nila ang 26,170 Valium tablets at 9,173 tablets ng Mogadon na nagkahalaga ng P534,297 sa BOC NAIA District Office sa Nayong Pilipino sa Pasay City. Ang inabandona na shipment ay galing sa “Muztaza and Brother” sa Pakistan at naka-consigned sa International Medexchange Depot Inc., sa Gov. Camins Ave., Zamboanga City. Abangan!

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with