^

Punto Mo

Pag-iisyu pa ng RFID, buksan sa mga barangay

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Maganda ang layunin sa cashless toll sa mga expressways lalo na nga’t may pandemyang nagaganap.

Bukod dito, kung tuluyan nga itong maipapatupad mas mabilis ang pagdaan ng mga motorista sa mga toll plaza na ngayon nga kapag dagsa ang mga sasakyan aba’y kilo-kilometro ang haba nito.

Minsan pa nga nagmimistulang isang malaking parking ang mga toll gate, lalo na sa north at south expressways, partikular kapag holiday.

Pero sa ngayon sangkaterbang reklamo ang naririnig sa mga motorista na may kinalaman sa patakaran sa pagkakabit ng  Radio Frequency Identification (RFID).

Mas marami pa rin ang walang RFID kaysa marahil sa mayroon na nito.

Sa nakikita sa kasalukuyan hindi sapat ang panahon na naibigay sa mga motorista para dito.

Kahit pa nga ilang ulit na itong na-extend, kasi nga hindi naman nakita ang kakulangan sa mga lugar na dapat pagkabitan ng RFID.

Sa ilang lugar lalong nahirapan ang mga motorista sa sinasabi nilang online application at hindi na tumatanggap ng walk-in.

Dito lalong nalito at nahirapan ang mas nakakaraming motorista. Lumilikha ng kilo-kilo-metrong trapik ang lane ng wala pang RFID.

Sa NLEX, labis na apektadong lungsod ang Valenzuela dahil sa kanila tumutukod ang matinding trapik.

Dahil dito may banta nga si Mayor Rex Gatchalian na sususpendihin niya ang business permit ng NLEX Corp. kung hindi matutugunan ang matinding sitwasyon sa trapiko.

Katunayan nga ito na marami pa rin ang nangangailangan ng RFID kaya kailangang magbukas pa ng mas maraming lugar kung saan pwedeng maglagay nito at hindi ‘yung kung kailan lang papasok sa toll, talagang hahaba ang pila rito ng mga sasakyan.

Dapat nga kahit sa mga barangay makapag-isyu o  magkaroon ng kabitan nang hindi nagsisiksikan sa isa o ilang lugar lamang.

Mapag-aaralan naman ‘yan, baka kailangan pa ng mas mahabang panahon ng adjustment para maayos ang lahat. Hindi naman kailangan ang madalian lalo’t nasa gitna pa tayo ng pandemya.

vuukle comment

RFID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with