^

Punto Mo

EDITORYAL - Yantok sa mga lalabag sa health protocols

Pang-masa
EDITORYAL - Yantok sa mga lalabag sa health protocols

HINDI maganda ang plano ng Philippine National Police (PNP) na hahatawin ng yantok (rattan stick) ang sinumang mahuhuli na lumalabag sa health protocols. Naghahatid ng pangamba ang ganitong plano na basta na lamang hahatawin ng pulis ang mga taong hindi sumusunod sa health protocol gaya nang hindi pagsusuot ng face mask, face shield at hindi sumusunod sa physical distan-cing. May pagka-brutal o kalupitan ang gagawing ito ng mga pulis. Hindi ito makatao.

Sabi ni Police Lt. Gen. Cesar Binag, Joint Task Force COVID-19 Shield chief, magde-deploy umano ang PNP ng mga pulis na may mga hawak na yantok para gamitin sa mga lalabag sa physical distancing ngayong holiday season. Ayon kay Binag, magkakaroon sila ng social distancing patrol na ipinag-utos umano ni PNP chief Gen. Debold Sinas. Magdadala umano ng yantok na may habang isang metro. Gagamitin ito sa violators at para rin sa mga matitigas ang ulo.

Masyadong malupit ang gagawing ito sa mga lalabag sa health protocols. Hindi ito makatarungan lalo pa’t minsan nang nalagay sa kontrobersiya si PNP chief Sinas noong nakaraang Mayo dahil sa “mananita” nang magdiwang ito ng kaarawan. Lumabag siya sa health protocol. Nakunan pa ng picture na sama-sama sila sa isang mesa at walang face mask. Nakunan din na may mga bote o lata ng beer sa mesa. Mahigpit na pinagbabawal ang pag-inom ng alak dahil naka-lockdown ang Metro Manila. Kahapon, itinanggi naman ng pamunuan ng PNP na ipinag-utos ni Sinas ang paggamit ng yantok sa mga lalabag sa protocols.

Hinay-hinay ang PNP. Kung may mahuhuling violators, hindi dapat maging malupit sapagkat sasabog sa mukha nila ang ganitong hakbang. Pagsabihan na lang ang mga lalabag at huwag hahatawin. Pakiusapan at ipaunawa ang batas. Wala na tayo sa mundo ng mga barbaro kung pagmamalupitan ang mga lalabag.

 

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with