^

Punto Mo

Bintang

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG umaga iyon ng 1995, may lakad ang aking ina at pamilya ng aking tiyuhin. Dinaanan nila ang aking ina sa aming bahay. Tulog pa kaming mag-iina noon sa isang malapad na kama. Sa abroad pa nagtatrabaho ang aking asawa. Ang anak ng aking tiyuhin, mga pinsan ko ay pawang nasa elementary. Gising na ako at narinig kong nasa salas ang mag-anak. Ang anak na lalaki ay sumilip sa aming kuwarto dahil nakabukas ang pinto nito. Ngumiti ako. Ang bati ko ay…aba, ang aga mo.

Napansin ko, biglang tumalikod ang aking pinsan. Narinig kong tumigil ang pag-uusap ng mag-anak sa salas. Tapos narinig ko ang boses ng aking tiyo na kinakausap ang aking ina na hindi pa tapos sa pagbibihis.

“Ate sa kotse na lang namin ikaw hihintayin.”

Kinahapunan, pagdating ng aking ina ay may itinanong ito sa akin, “Bakit mo raw sinabihan si (pangalan ng pinsang lalaki) na mahaba ang baba mo? Umiyak daw kaya pala naglabasan ang mag-anak at sa kotse na lang ako hinintay.” Sa tono ng pagkukuwento ng aking ina, naniwala sa sumbong ng anak ang ama’t ina nito. At galit ang mga ito sa akin.

“Ano?”. Napatigil ako. “Paano ko raw sinabi na mahaba ang baba niya?”

“Ang sabi mo raw ay : mahaba ang baba mo.”

“Kailan ko raw siya sinabihan?”

“Kaninang umaga nang sumilip daw siya sa inyong kuwarto.”

“Normal naman ang baba niya, bakit ko naman siya sasabihan ng mahaba ang baba niya.”

Sagot ng aking ina: “Pero parang may sinabi ka. Hindi lang malinaw sa aking pandinig. Parang may sinabi kang “baba”.

Doon na ako tuluyang napaiyak. Pati ang aking ina ay naniwala sa sumbong ng aking pinsan. Ganoon pala ang feeling na may ibinibintang sa iyo at lahat ng tao ay naniniwalang ginawa mo iyon. Tulog na tulog noon ang aking dalawang anak kaya walang magpapatunay na wala akong sinabing ganoon. Habang umiiyak ay nagsalita ako.

“Ang sinabi ko lang sa kanya ay “aba, ang aga mo”. Siyempre, bagong gising, tapos nakahiga pa, ngamol ang aking pagsasalita, kaya ang dating sa kanyang pandinig ay  mahaba ang baba mo.”

Ang tanging nasabi ko lang sa aking ina ay ito: Mga taong walanghiya lamang ang mamimintas nang harap-harapan sa isang batang mabait at magalang naman.

Naalaala ko ang nakakayamot na anekdotang ito nang napanood  ko sa telebisyon ang isang opisyal ng gobyerno na pasimpleng nagpahid ng luha matapos siyang akusahan na isa sa mga nangurakot sa ahensiya ng gobyerno. Nagkataon lang na mga kasamahan niya ang nagnakaw kaya nakasama rin siya sa pinagbibintangan. Mabuti na lang at ang boss niya ay nanatiling may tiwala sa kanya. Kaya ang na-psychologized ko sa kanya, base sa kanyang galaw, wala siyang kasalanan.

vuukle comment

HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with