^

Indonesian baby na pinangalanang ‘Google’ nakatanggap ng regalo mula sa Google

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 6, 2020 - 12:00am

KARAMIHAN sa mga Indonesian ay naniniwala na kung anong ipinangalan nila sa kanilang bagong panganak na sanggol ay magiging repleksiyon ng pagkatao nito sa kanyang paglaki.

Kaya nang ipinanganak ang pangalawang supling nina Andi Cahya Saputra at Ella Karina ng Bekasi Regency sa West Java, naisipan nila na pangalanan itong “Google” upang magkaroon ng pakinabang ang kanilang anak sa lipunan tulad ng pinakasikat na search engine sa buong mundo.

Ayon sa ina ni baby Google na si Ella, nasa ika-pitong buwan pa lamang siya ng kanyang pagbubuntis ay naiisip na niyang hango sa makabagong teknolohiya ang pangalan ng kanyang magiging sanggol.

Sa una ay Microsoft, iPhone, iOs, Windows ang mga naisip niyang pangalan pero napagdesisyunan nilang mag-asawa na “Google” ang itawag sa anak nilang lalaki.

Matapos mag-viral sa social media si baby “Google”, nagpadala ng regalo ang kompanyang Google sa pamilya Saputra bilang congratulations sa bagong panganak at appreciation sa paggamit ng pangalan ng sikat na search engine bilang pangalan ng kanilang anak.

Hindi na dinetalye ng pamilya Saputra kung ano ang mga iniregalo ng kompanya.

GOOGLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with