EDITORYAL - Huwag hayaang tumaas pa ang kaso ng COVID-19

EDITORYAL - Huwag hayaang tumaas pa ang kaso ng COVID-19

(Pang-masa) - December 5, 2020 - 12:00am

UMABOT na sa 435,413 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa report ng Deparment of Health (DOH). Mismong ang DOH na rin ang nagsabi na posibleng tumaas pa ang kaso ng COVID ngayong holiday season. Sabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, mayroon nang bahagyang pagtaas ng kaso sa nakalipas na ilang linggo at posibleng tumaas pa ngayong kapaskuhan. Sabi pa ng DOH secretary, ang bahagyang pagtaas ng kaso ay dahil sa pagdami ng tao sa evacuation centers nang manalasa ang mga Bagyong Ulysses, Rolly at Quinta. Maraming inilikas na mga tao at hindi na naipatupad ang physical distancing.

Nakakaalarma naman ang sinabi ng OCTA Research Group of the University of the Philippines na bago raw matapos ang Disyembre 2020 ay aabot sa 500,000 ang kaso ng COVID. Ayon sa OCTA, nakakakita sila ng bagong pagtataas ng kaso sa National Capital Region, Davao at Western Visayas. Ganunman, sinabi ng OCTA na ang pagtaas ng kaso sa NCR ay hindi dapat ikabahala. Sabi pa ng OCTA ang pagtaas ng kaso sa NCR ay dahil sa pagpapaluwag at pagbubukas ng ekonomiya.

Posibleng mangyari ang sinabi ng DOH at OCTA na tataas pa ang kaso ng COVID lalo ngayong kapaskuhan. Sa ganitong sitwasyon, nararapat na higpitan ang pagpapatupad ng health protocol. Marami nang nakakalimot na magsuot ng facemask. Marami na rin ang mga nag-iinuman ng alak na iisang baso ang ginagamit. May mga nagka-karaoke at pasa-pasa sa mikropono.

Bukod pa sa mga ito, dagsa rin ang mga tao sa Divisoria at wala nang pagsunod para maiwasan ang virus. Marami ang namimili ng pangregalo at nalilimutan na ang mga dapat gawin para hindi mahawahan ng virus. Nararapat maghigpit ang mga awtoridad. Huwag ha-yaang tumaas pa ang kaso ng COVID. Huwag hayaang masayang ang walong buwan na pagsasailalim sa lockdown. Ipagpatuloy ang nakasanayang pagsusuot ng  face mask, face shield at paghuhugas ng kamay. Magkaroon ng pagitan para hindi mahawa ng virus.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with