Hindi ako susuko (59)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 5, 2020 - 12:00am

HABANG pinupunasan ni Reagan ang portrait ni Sir Abe ay naalala niya ang mga nagawang tulong nito sa kanya. Kung hindi sa tulong ni Sir Abe ay hindi niya matatapos ang first year at second year sa College of Fine Arts. Hindi niya malilimutan ang kabutihan ng matanda. Malaki ang naging bahagi nito sa kanyang buhay.

At kahit na nilait-lait siya ng anak nitong babae, hindi nababawasan ang paggalang niya kay Sir Abe. Hindi niya ito dinadamay kahit na pinagsalitaan siya ng masakit ng anak nito. Hindi mababawasan ang paggalang niya sa matanda.

Naimadyin ni Reagan na kung hindi sana namatay si Sir Abe ay masaya sana sila. Lagi siyang inaanyayahan nito sa bahay at doon pinakakain. Parang anak na ang turing sa kanya ni Sir Abe. Sayang at hindi nito nakita ang portrait na ireregalo sana niya. Masaklap na kung kailan pa birthday ay saka namatay si Sir Abe.

Napabuntunghininga si Reagan.

Muling pinagmasdan ang portrait ni Sir Abe.

Nakangiti ito sa kanya.

Hindi niya malilimutan ang mabait na matanda.

ISANG hapon, tapos na ang klase ni Reagan at papalabas na siya sa gate ng unibersidad nang may tumawag sa kanya.

“Reagan! Reagan!’’

Nang lingunin niya sandaling hindi niya maalala kung sino ang lalaki.

Tumigil siya at hinintay ang lalaki.

“Reagan ako si George, pamangkin ni Tiyo Abe.’’

Naalala ni Reagan.

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with