Haunted house, ginawang quarantine facility sa Indonesia para sa mga lumalabag sa self-isolation policy

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 5, 2020 - 12:00am

NAGING praktikal ang mga opisyal ng Sragen Regency sa Central Java Indonesia nang gamitin nila ang isang abandonadong bahay, na kilala sa lugar na iyon na pinamumugaran ng mga multo, bilang pasilidad na paglalagakan ng mga residenteng lalabag sa kanilang 14 day self isolation policy.

Ayon kay Sragen Regent Kusdinar Untung Yuni Sukowati, wala silang budget upang magtayo ng pasilidad sa kanilang lugar kaya ang mga abandonadong bahay na lamang ang kanilang gagamitin bilang quarantine facility.

Dahil sa panakot na sa isang haunted house ikukulong, naging epektibo ito na pasunurin ang mga residente lalo na ang mga manggagawa na umuwi mula sa mga malalaking siyudad na maraming kaso ng COVID-19.

Mula nang itinalagang pasilidad ang isang abandonadong haunted house na napapalibutan ng palayan, tatlong residente lamang ang nahuling sumuway sa kautusan. Kahit wala namang nasaksihan na mga multo, tumagal lamang ng pitong araw ang tatlong nahuling residente dahil nagmakaawa ang mga ito na sila’y palayain na dahil sa psychological torture na kanilang naranasan.

Naniniwala ang village chief na si Mulyono na nakatulong ang paggamit sa haunted house sa pagpapababa ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar dahil wala ng nahuli pang luma­bag sa kanilang kautusan.

INDONESIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with