Face-to-face classes, ‘di kailangang madaliin

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - December 4, 2020 - 12:00am

May ilang grupo maging ilang mambabatas ang nagrere-komenda sa Department of Education (DepEd) na mairekonsidera ang pagbubukas ng face-to-face classes.

Ilang ahensya naman ng pamahalaan partikular ang DOH at DILG ang hindi pabor dito.

Ang tanong nga ng marami, ano naman kaya ang dahilan bakit atat ang mga ito na  maibalik na ang face-to-face classes, gayong malinaw na nandyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Hindi maitatatwa na  hanggang sa ngayon eh wala pang itinuturok na bakuna para malabanan ito.

Naka-online classes na nga  ang mga mag-aaral, eh patuloy pa rin ang mga nagpopositibo sa virus, paano na kung ibabalik ang face-to-face baka tuluyan nang umalagwa o tumaas ang bilang ng nagkakaroon ng sakit.

Kamakalawa ng gabi ay nagkasundo na rin ang mga Metro Manila mayor na wag pa ring payagang makalabas ng bahay o papasukin sa malls ang mga menor de edad na 17-anyos pababa kung hindi rin lang sa matinding kadahilanan.

Malinaw na bawal silang lumabas, dahil na rin sa virus, ngayon ihihirit ang face-to-face classes!

Maging ang maraming magulang eh may pag-aalinlangan sa ganitong suhestyon.

Parang mahirap nga naman na ipagsapalaran ang kalusugan ng kanilang mga anak sa pag­labas ng bahay.

Bagamat ayon nga sa mga eksperto, malalakas ang resistensya ng mga kabataan, pero ang panganib dito eh ang kanilang uuwian sa bahay na posibleng nilang mahawaan  sa karamdaman na  hindi naman nila nararamdaman.

Sana nga lang sa mga nagsusuhestiyon sa pagbabalik sa face-to-face classes ay pag-isipan muna itong maigi.

Hindi kailangan ang pagdaskul-daskol na desisyon, lalu’t nakataya ang kalusugan at  buhay ng mga mag-aaral.

Lalu pa nga’t hindi lang naman isang oras o dalawang oras ang itinatagal sa isang araw ng klase.

Mahabang panahon ang itinatagal nito na ang ibig sabihin mas prone sa hawaan.

Kunin muna ang panig ng mga magulang, guro at iba pang sangkot na sektor bago ito pagpasyahan.

Tandaan nasa huli ang pagsisisi.

CLASSES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with