Mga adik sa shabu, nag-shift na sa marijuana?

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - December 4, 2020 - 12:00am

ANG mga adik ba sa shabu ay lumipat na sa marijuana? Kung sina Interior Secretary Eduardo Año at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ang tatanungin ay malaki ang posibilidad na ganun na nga. Kaya naman malakas ang paniniwala nina Año at Sinas na lumipat sa marijuana ang mga adik sa shabu dahil sa pagkaaresto kamakailan ng tatlong katao at pagkumpiska sa kanila ang 127 kilos ng dried marijuana leaves na nagkakahalagang P26 milyon sa Quezon City.

Nakorner ng mga tauhan ni Brig. Gen. Ronald Lee, hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang negosyanteng si Dianne Irene Rodriguez, 37; Louie Mark Cuerdo, 29, at Angelo Buenaventura, 22, sa isang buy-bust operation sa EDSA Hiway, Bgy. Apolonio Samson, Balin-tawak noong Nob. 29.

Hindi nakapiyok ang tatlong suspects nang mabulaga ng mga tauhan ni Lee at iba pang ope­rating units ng PNP. Araguuyyyy! Hak hak hak! Wala pang malinaw na katibayan na lumipat na sa marijuana ang mga adik sa shabu dahil maraming supply pa nito ang kumakalat sa kalye ng bansa, di ba mga kosa?

Sinabi ni Sinas na ang nakumpiskang marijuana ay masasabing pinakamalaking shipment na narekober ng PNP nitong nagdaang mga taon. Ayon kay Sinas, naipasailalim na sa tactical interrogation ng mga bataan ni Lee ang mga suspect at lumabas na galing sa Cordillera areas ang shipment ng marijuana.

Inamin ng mga suspects na ang marijuana ay ikakalat sa Metro Manila at kalapit na lugar sa Calabarzon at PRO4-B, ani Sinas. Nang tanungin kung bakit nakalusot ang shipment ng marijuana sa mga police checkpoints, ipinaliwanag ni Sinas na «plainview» lang sila kaya hindi namalayan dahil nakahalo sa mga gulay ang droga.

«Kung ano lang yung nakikita yun lang. Kung nakita n’yo naman yung packaging sinabay sa gulayan, wala naman nagtsetsek dun maliban sa aso,» ang giit ni Sinas. «Yun lang ang limitations namin sa checkpoint kasi plain view lang kami at hindi na po yan pabuksan lahat unless we have reasons to believe na may contraband o kaya may search warrant kami.» Araguuyyyy! Hak hak hak!

Kahit anong pakulo pa ng mga drug pushers, matitiktikan din sila ng mga kapulisan na hindi nagpapahinga para lipulin ang droga sa bansa.

Matapos matanto kung saan galing ang marijuana, aba parang kidlat na kumilos ang mga bataan ni Lee sa pamumuno ni Lt. Col. Henry Flores, ng PDEA CAR at binunot ang mahigit 3,000 at 2,000 fully grown marijuana plants sa magkatabing lugar sa Bgy. Buscalan, Tinglayan, Kalinga noong Dis. 1. Nagkakahalaga ang nabunot na tanim ng marijuana ng P1.6 milyon, ani Lee. Araguuyyyy! Hak hak hak! Mabilis talaga kumilos ang gobyerno ni President Digong kontra droga.

Samantala, nadedo naman ang mga drug pushers na sina Michael Johnlery Olid, 29, at Arnel Degolacion, 42, sa isang encounter sa mga bataan ni Lee sa South Road Properties, Bgy. Mambaling Cebu City noong Dis. 1. Nakumpiska sa kanila ang 2 kilos na shabu, isang kalibre .45 pistol at isang KG9. Ayon kay Lee, itong sina Olid at Degolacion ang nasa likod nang malawakang drug pushing sa Cebu City. Ang stuff nila ay galing sa nakakulong na drug pusher, dagdag pa ni Lee. Hehehe! Walang sinasanto ang PDEG ng PNP sa pamumuno ni Lee. Abangan!

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with