Hindi ako susuko (58)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 4, 2020 - 12:00am

“SIGURO Kuya, pagdating ng araw e mahal na ang presyo ng portrait na yan. Di ba ang mga works ng mahuhusay na painter ay malaki ang bayad kapag napasama sa auction,’’ sabi ni Kennedy kay Reagan.

Nagtawa si Reagan sa sinabi ni Kennedy.

‘‘Ayos ah alam mo na ang auction-auction. Saan mo nabasa ang ganun ?’’

‘‘Sa libro. Di ba yung ginawa ni Juan Luna. Ini-auction daw sa Hong Kong nun.’’

Napatango si Reagan. Tama ang kapatid. May work nga si Juan Luna na na-auction.

‘‘Hindi naman ako matutulad kay Luna dahil mahusay yun. Ako e karaniwang pintor lang.’’

“Aba malay mo pagdating ng araw e sumikat ka dahil sa portrait ni Sir Abe. Huwag mong maliitin ang kakayaan mo Kuya.’’

Napangiti si Reagan. Naantig siya sa sinabi ng kapatid. Parang tinamaan siya dahil kulang pa nga ang tiwala niya sa sarili.

Mabuti pa si Kennedy at malaki na agad ang kumpiyansa sa kakayayahan.

“Dapat Kuya lagyan mo yan ng title sa likod at saka pirma mo. Malay  mo mag-viral yan sa darating na panahon.’’

“Ano sa palagay mo magandang title?’’

“Sir Abe.’’

Napangiti si Reagan. Puwede nga ang Sir Abe.

KAPAG walang ginagawa si Reagan ay pinupunasan niya ang portrait ni Sir Abe at kinakausap niya nang lihim. Nagpapasalamat siya rito sa nagawang tulong sa kanya.

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with