Sementeryo sa Thailand, nagpapalabas ng pelikula para sa mga kaluluwang hindi na nabibisita ng mga kamag-anak

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 4, 2020 - 12:00am

ISANG mobile projector truck sa Eastern Thailand ang nagkaroon ng libreng outdoor movie screening hindi para sa mga residente ng nasabing lugar, kundi para sa mga hindi nabibisitang mga labi sa isang sementeryo.

Tatlong pelikula o triple feature ang ipinalabas noong nakaraang Huwebes ng gabi sa harap ng 200 puntod ng isang private Thai-Chinese cemetery sa Prachinburi Province.

Ayon kay Kiattipong Kongtong, ang may-ari ng mobile projector truck na nagpapalabas ng mga pelikula, ikatlong taon na ito simula nang sila’y upahan ng isang ayaw magpakilalang kliyente na magpalabas ng pelikula sa nasabing sementeryo tuwing Disyembre upang pasayahin naman ang mga malulungkot na kaluluwa na hindi nabibisita ng kanilang mga kamag-anak.

May paniwala kasi ang mga Thai na kapag ang isang hindi matahimik na kaluluwa ay hindi pa nare-reincarnate, mainam na alayan ito ng pagkain, inumin o ng kahit anong bagay na nagbibigay kasiyahan sa kanila noong sila’y nabubuhay pa upang sila ay matahimik na at tumaas ang tsansa na makatawid na sa kabilang buhay.

Sinasamahan nina Kiattipong at ng kanyang mga tauhan na manood ang mga kaluluwa sa sementeryo hanggang sa matapos ang mga pelikula at ayon sa kanya, wala namang nakakatakot sa kanilang ginagawa at masaya silang nakapagbibigay libangan sila sa mga namayapa na.

THAILAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with