Ang inihagis na tinapay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

Maghagis ka ng tinapay sa gitna ng karagatan at may mapapakinabangan ka pagdating  ng araw! – Mangangaral 11:1

MARAMING tinapay ang isinabog ni Annie at ina nito sa dagat. Marami na ang pinag-aaral na seminarians ng kanyang ina. Marami ang gustong magpari ngunit walang ipampapaaral ang kanilang mga magulang. Hindi rin naman kayang sagutin ng kongregasyon ang gastos sa buong panahon ng kanilang pag-aaral. Kaya ang ginagawa ng kongregasyon ay naghahanap sila ng mga taong mag-iisponsor sa mga seminarians. Kasama sa obligasyon ng mga sponsors ang pagbibigay ng allowance buwan-buwan sa mga ito.

Si Annie, isang matandang dalaga at accountant ay nag-iisponsor ng tatlong seminarians. Dating nag-iisponsor ng seminarians ang kanyang inang propesora pero nang magretiro sa pagtuturo ay tumigil na ito. Si Annie na lang ang sumalo sa mga seminarians na pinag-aaral ng kanyang ina.

Isang araw ay naisugod sa ospital ang ina ni Annie dahil natumba ito dulot ng pagkahilo. Siya lang at kasambahay nito ang naghahalinhinan sa pagbabantay sa matanda. Noon ay schedule na ng pagbibigay ng monthly allowance sa mga seminarians. Nagpupunta ang mga seminarians sa bahay ni Annie para personal nilang tanggapin ang allowance. Paraan na rin iyon upang magkumustahan at magreport ang mga ito ng development sa kanilang pag-aaral. Tumawag si Annie sa pamunuan ng kongregasyon na sa ospital na lang siya puntahan ng mga seminarians para sa kanilang buwanang pagkikita.

Anong gulat ni Annie nang dumating sa ospital ang tatlong seminarians kasama ang director ng kongregasyon. Gumawa ng schedule ang kongregasyon kung saan maghahalinhinan ang tatlong seminarians sa pagbabantay sa ina ni Annie sa ospital. Iyon ay upang magkaroon ng oras na makapagpahinga sila. Hindi sinasadyang naidaing ni Annie sa mga paring namamahala ng kongregasyon na dalawa lang silang naghahalinhinan sa pagbabantay ng kanyang ina.

Hindi lang siya tinulungan sa pagbabantay ng kanyang ina kundi sa pagdadasal na guma-ling na ito at maligtas sa kapahamakan. Kaya naman isang linggo lang ay pinayagan na ang pasyente na lumabas ng ospital dahil magaling na ito. Naisugod kaagad ito sa ospital kaya ang nagbabantang stroke ay naagapan.

BREAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with