Ano ang maaaring ikaso sa kapitbahay na nagpaputok ng baril?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

Dear Attorney,

Nagpaputok po ang kapitbahay namin ng baril. Ano po ang maaaring isampang reklamo laban sa kanya? — Allie

Dear Allie,

Maganda sana kung nabanggit mo ang buong pangyayari nang pinaputok   ng iyong kapitbahay ang kanyang baril. Iba’t iba kasi ang mga kasong maaaring kaharapin ng isang nagpaputok ng baril depende sa sitwasyon nang gawin niya ang nasabing pagpapaputok.

Kung pinaputukan niya ng baril ang ibang tao ngunit makikita sa kilos ng nagpaputok na wala naman siyang intensiyong patayin ang kanyang pinaputukan ay illegal discharge of firearms ang maaaring ikaso sa kanya sa ilalim ng Article 254 ng Revised Penal Code. Halimbawa ng kawalan ng intensiyong pumatay ay kung sadyang hindi pinatamaan ang mga pinaputukan dahil ang intensiyon ng nagpaputok ay takutin lamang ang mga ito.

Kung ang nagpaputok ng baril naman ay makikitaan ng intensiyong pumatay at sadyang hindi lang niya tinamaan ang kanyang mga target ay maaari siyang maharap sa attempted murder o homicide.

Kung wala namang pinaputukan ang iyong kapitbahay at ginawa niya lamang ang pagpapaputok upang magyabang o kaya’y mag-ingay ay maaari pa rin siyang makasuhan ng kasong kriminal na alarm and scandal dahil sa istorbong idinulot niya sa katahimikan ng inyong lugar.

Bukod sa mga nabanggit, maaari pang mapabigat ang kanyang kakaharaping parusa kung ang baril na kanyang ginamit ay hindi lisensiyado, alinsunod sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

GUN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with